"Lahat ng bagay ay nangyayari sapagkat may magandang rason"

649 2 2
                                    

     Ako si Hanna Kristine M. Soler ipinanganak noong June 25,2000  sa Manila. Ang aking ama ay si Jun Soler at ang aking ina ay si Giselle Soler mayroon akong apat na mga kapatid.
     Ang aking hilig ay magsulat at lumangoy sa dagat ng aking mga pangarap. Ang aking paboritong pagkain ay tinola na luto ng aking ina. Ang paborito kong kulay ay berde at ang paborito kong "subject" ay Science.
Maayos naman ang pamumuhay ng aking pamilya masaya, sama-sama, at tulong-tulong ngunit hindi maiiwasan ang mga problema na talagang susubukin ang isang pamilya pero ang kaylangan lamang ay pagmamahal, pagtutulangan at pananalig sa Diyos upang malampasan ang lahat ng iyon.
      Sa aking karanasan naman sa buhay ang hindi ko malilimutan ang pagkawala ng aking ama noong akoy nasa ika walong baitang pa lamang. Ako ay simple lamang mapagmahal, mabait ngunit kung minsan ay may pagka "mabagal". Bilang kaibigan naman ako ay mapag biro at siyempre may pagpapahalaga ako sa mga kaibigan ko at madalas ay inaala ko muna ang kanilang mararamdaman bago ako magsalita.
    Tuwing ako ay may problema madalas akong  umiyak sa Diyos sa Kanya ko lahat sinasabi ang sama ng loob, kasiyahan, at paghingi ng tawad lahat lahat sa buhay ko at sa Kanya din ako humihiling ng mga nais ko siya ang aking tagapagligtas. Bihira lang ang mga oras na umiiyak ako sa harap ng aking mga kaibigan o aking magulang dahil ito ang aking kahinaan.
     Ang mithiin ko sa buhay ay masuklian ang paghihirap ng aking magulang, paglingkuran ang Diyos habambuhay, maging  matagumpay sa buhay, makita ang aking mga idolo, makapasok sa La Salle University at magkaroon ng asawa at anak sa tamang panahon. Ngayon ay sinisimulan ko to sa pag-aaral, pagsisikap at pananalig sa Diyos.

 Ngayon ay sinisimulan ko to sa pag-aaral, pagsisikap at pananalig sa Diyos

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 17, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang aking TalambuhayWhere stories live. Discover now