Ako si Hanna Kristine M. Soler ipinanganak noong June 25,2000 sa Manila. Ang aking ama ay si Jun Soler at ang aking ina ay si Giselle Soler mayroon akong apat na mga kapatid.
Ang aking hilig ay magsulat at lumangoy sa dagat ng aking mga pangarap. Ang aking paboritong pagkain ay tinola na luto ng aking ina. Ang paborito kong kulay ay berde at ang paborito kong "subject" ay Science.
Maayos naman ang pamumuhay ng aking pamilya masaya, sama-sama, at tulong-tulong ngunit hindi maiiwasan ang mga problema na talagang susubukin ang isang pamilya pero ang kaylangan lamang ay pagmamahal, pagtutulangan at pananalig sa Diyos upang malampasan ang lahat ng iyon.
Sa aking karanasan naman sa buhay ang hindi ko malilimutan ang pagkawala ng aking ama noong akoy nasa ika walong baitang pa lamang. Ako ay simple lamang mapagmahal, mabait ngunit kung minsan ay may pagka "mabagal". Bilang kaibigan naman ako ay mapag biro at siyempre may pagpapahalaga ako sa mga kaibigan ko at madalas ay inaala ko muna ang kanilang mararamdaman bago ako magsalita.
Tuwing ako ay may problema madalas akong umiyak sa Diyos sa Kanya ko lahat sinasabi ang sama ng loob, kasiyahan, at paghingi ng tawad lahat lahat sa buhay ko at sa Kanya din ako humihiling ng mga nais ko siya ang aking tagapagligtas. Bihira lang ang mga oras na umiiyak ako sa harap ng aking mga kaibigan o aking magulang dahil ito ang aking kahinaan.
Ang mithiin ko sa buhay ay masuklian ang paghihirap ng aking magulang, paglingkuran ang Diyos habambuhay, maging matagumpay sa buhay, makita ang aking mga idolo, makapasok sa La Salle University at magkaroon ng asawa at anak sa tamang panahon. Ngayon ay sinisimulan ko to sa pag-aaral, pagsisikap at pananalig sa Diyos.