A/N: Napanaginipan ko lang yung idea sa story na 'to tapos naisipan kong isulat! Ayan tuloy kinalabasan! Haha
One-shot lang naman. :) Vote at comment kayo ha. ^_^
________________________________________________________
"ALAM MO BANG MAAGA AKONG UMALIS SA PRACTICE KAHIT NAINIS PA SAKIN YUNG MGA KASAMAHAN KO PARA MAKIPAGKITA SAYO! TAPOS NAGPUNTA LANG PALA AKO SA WALA! HUH?! UMIMIK KA NGA DYAN NAOMI!"
"Sorry na nga eh. Tska diba nagtext ako sayo na hindi ako makakapunta kasi nagpatulong si mama gumawa ng custard cake para dun sa bagong lipat sa village namin.."
"TANG@#$%^ CUSTARD CAKE YAN!"
Hindi ko na narinig yung sunod na mga sinasabi ni Aldrin. Nagsi-slow motion yung buka ng bibig nya pero kita ko sa expression ng mukha nito ang galit nya.
Sa loob ng limang buwan naming relasyon, hindi na mabilang sa daliri kung ilang beses kaming nagbreak. Dahil lang sa sobrang babaw na mga dahilan. Tulad ngayon, nararamdaman ko makikipagbreak na naman sya.
Para ngang nawawalan na ng power at meaning yung word na "BREAK" eh. Tipong nagiging panakot na lang ito sa karelasyon para mapasunod mo sya o maipahayag mong galit ka.
Kaya ibabalik ko na ang power at true meaning ng salitang yun.
"Aldrin.." Huminga ako ng malalim. "Hindi ko na kaya.. Sagad na sagad na ko.. Bastos na bastos na ko sayo. Gusto ko naman magtira ng kaunti pang pride sa sarili ko.." I gave him a weary smile. "Maghiwalay na tayo. Let's break-up."
--
Kinuha ko yung picture frame sa ibabaw ng drawer at nilagay sa isang box kasama ng iba pang remembrance ng relationship namin ni Aldrin. Hindi naman ako yung tipong itatapon o susunugin lahat ng mga ito. Itatago ko lang sa attic para hindi ko na madalas makita.
After all, we had our good times together. Kaya lang habang tumatagal hindi na nagiging healthy yung relationship namin. Puro na lang kami away. Nagiging destruction na namin ang isa't isa imbes na inspiration. We're better off without each other.
Siguro kaya din malakas ang loob ko makipaghiwalay ay dahil sa nahuhulog na ang loob ko sa iba. Excited na nga akong makasama ulit sya mamayang gabi, sa PANAGINIP ko.
I've been seeing this guy in my dreams for quite some time now. He has big brown eyes, thick wavy hair, fair skin.. Chubby din sya kaya parang ang sarap-sarap nyang yakapin..
Kapag kasama ko sya parang sasabog yung puso ko. Mainit at komportable lagi ang pakiramdam ko. Iba't iba yung mga eksena sa panaginip ko. Minsan maayos, pero kadalasan magulo at putol-putol. Irrational. Pero okay lang yun, basta kasama ko sya.. Kahit saang lupalop pa consistent ang saya at kilig. Hay! Kung pwede nga lang hugutin ko sya sa panaginip ko palabas sa mundo.
Hindi ko pa nga alam ang pangalan nya eh. Kapag kasi nanaginip ka, hindi mo naman kontrolado ang galaw at kilos mo. Tila isa ka lang audience na nanunuod sa pelikula kung saan ikaw ang bida.
BINABASA MO ANG
Mr. Dream Boy
Teen FictionPosible kayang ma-inlove ka sa taong sa panaginip mo lang nakilala?