Chapter 3

16 2 0
                                    

Chapter 3

Siguro nahahalata niyo na hindi na ako masyadong galit sa mga magulang ko dahil sa ginawa nila,it's because my mom talked to me after that event.

Sinabi niya na wala din akong magagawa kasi final na iyong dicision nila,mahihirapan lang daw ako.

Turuan ko na lang raw iyong puso ko na mahalin kung sino mang demonyo ang ikakasal nila sa akin.

Paano ko naman mamahalin ang taong ni ang pangalan, 'di ko alam?!

Ano iyon,pwedeng basahin sa libro?

Pero pumayag ako hindi dahil sa natangay ako sa mga sinabi ni mommy,kundi dahil iyon sa OH-So-BRILLIANT plan namin ng bestfriend ko.

**************************************************FLASHBACK********************************************

After the conservation between me and my mom,I immediately called my bestfriend.

"You don't have enough balance to make  call.Please reload a new call or text card immediately."

TAE!!!

Hayop naman,kung kailan kailangan,tsaka nawalan ng load.

Itapon na itong cellphone na ito sa Ilog Pasig!! Wala namang sense sa world,eh!

Pumunta ako sa maid's room kung saan,syempre nandoon ang mga maid at lalo na si Yaya Sabrina.

Si Yaya Sabrina nga pala ang yaya ko,pero kahit kailan hindi ko siya tinignan bilang katulong o alipin kasi feeling ko mommy ko siya.

Mas mahal ko pa nga ata siya kaysa sa totoong nanay ko e!

Siya lang kasi ang laging nasa likod ko.Sinosoportahan niya ako sa lahat ng mga bagay.

Kumatok ako sa pinto.

Alam kong tulog na ang mga maids, since it is almost midnight. Pero alam ko rin na maiintindihan nila ako.

Open din kasi ako sa mga maid namin,nakakasundo ko kasi sila,eh.

Saktong si Yaya Sabrina ang nagbukas ng pinto.

Halatang-halata na kaka-iyak ko pa lang.

"Oh,bakit parang namamaga iyang mga mata mo? Umiyak ka ba? May nangyari bang masama?", nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Yaya, s-sina mommy at d-daddy po k-kasi...", naiiyak kong sagot sa kaniya.

Naiiyak nanaman ako kasi naaalala ko nanaman iyong mga sinabi sa akin ng mga parents ko.

Alam kong napaka-OA ko na ikakasal lng sa isang tao eh parang katapusan na ng earth,pero ang sakit lang talga na pinili pa nila ang ika-uunlad ng company nila kaysa sa ikakasaya ng nag-iisang anak nila.

Ikinuwento ko kay Yaya Sabrina lahat ng nangyari ngayong gabi.

Gumaan ang lahat ng nararamdaman ko dahil sa nailabas ko na ang lahat ng problema ko at dahil na din siguro sa mga advice niya sa akin.

"Gusto mo kausapin ko silang dalawa?"

"'Wag na po! Alam ko pong hindi na sila papayag na i-cancel ang fixed marriage na iyon!"

Si Yaya Sabrina rin pala ang pinakamatagal naming kasambahay dito sa bahay.

Siya na ang yaya ni mommy noong bata pa lang siya kaya nga sobrang pinagkakatiwalaan siya at siya rin tumatayong tagapagpayo ng parents ko since patay na ang mga garandparents ko in both sides, at magaganda rin kasi ang mga advice niya.

Wala siyang pamilya since tumanda siya sa pagtatrabaho niya dito sa bahay. Pero itinuring na namin siyang member ng family namin.

Nang maalala ko na kung ano ang ipinunta ko rito, agad ko itong sinabi kay Yaya.

Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon