MHBTY 7

128 2 1
                                    

**
Rachel
**
Mataas na ang sikat ng araw  ng makagising kami ni Anton pero hindi ako agad nakakilos kasi naramdaman kong nakayapos ang kamay ni Anton sakin at tinitigan ko na lang sya hanngang sa magising na din sya ng tuluyan. Binungadan ko naman agad sya ng ngiti ng makita kong tumingin na sya sakin. "Goodmorning" at tinititigan nia lang ako at ganun din ako sakanya. Hindi kamibagad na tumayo sa kama..

Inilapit pa ni Anton ang katawan nia sakin habang nakaharap sya. Dahilan para maging lapat ang mukha namin sa isat isa at iniyapos nia ang kamay nia sa bewang ko habang hinahagod nito ang kamay sa bewang.

"Sorry again for what happened last night. Hindi ko intensyon na mangyare un satin. Trust me pinigilan ko sarili ko. Pero hindi kinaya ng pagkalalaki ko ang ganda ng mukha at hubog ng katawan mo rachel."-pagpapaliwanag sakin ni Anton.

Hindi ako agad nakapagsalita .hindi ko inakala na ganun ang sasabihin nia sakin. Alam ko pa naman ginagawa ko kagabi.

"Okay lang Anton. Hindi ko din naman alam na mangyayare yon, pero wala akong pinagsisisihan. Napasaya mo din naman ako kagabi"-pabulong kong sinasabi sakanya.

"Sana hindi sumama tingin mo sakin rachel. Mahal na talaga kita kaya ko siguro nagawa iyon."

Binalingan niya naman ako ng malambing na halik sa labi ko dahilan para mapapikit ako. At niyakap ko na sya

Pagkatapos ng nangyare samin ni Anton feeling ko ang komportable ko na sakanya. Palagi kami magkasama.
At hindi ko namalayan na may isang buwan na pala syang nanliligaw.

****
lumipas ang isang linggo at niyaya nia ako ulit mag dinner sa isang mamahaling restaurant. Madalas nia ako yayain ng date pero iba ito at parang pinakamagandang resto ito kumpara sa mga pinupuntahan namin before.

Ng makatapat kami sa Entrance, automatic na nagbukas ang 'Sliding Door' "Good Evening Ma'am,Sir"-sabay na bungad ng mga ito  samin na parang praktisado dahil sabay na sabay pati pag ngiti nila.

At may babae na sumalubong samin at pinasunod kami sa table na naka ready na.

Inilibot ko ang mga mata ko para tignan ang paligid at tila planado ang lahat. May kanya kanyang ilaw ang bawat table at may naka separate na table sa gitna at may nakapalibot doon na mga red rose petals (heart shape pa nga) . nagtataka ako at namamangha sa sobrang ganda at hindi makasalita. Tinignan ko na lang sya ng parang nagtatanong na facial expression dahil hindi ako makasalita sa ewan ko kung kinikilig ako or kinakabahan sa mangyayare pero ngiti lang ang sinagot nia sakin.

Ng marating na namin ang table sa gitna. Red Dim light ang nagsisilbing liwanag nito. Hinarap ako ni Anton sakanya habang hawak ang isang kamay ko.

"Saglit lang huh ? Dito ka lang."-Anton
"Huh? San ka pupun......."-hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil mabilis na nakaalis si Anton . at wala akong nagawa kaya umupo na lang ako. Ilang segundo lang mula ng umalis si Anton ay nagulat ako. Biglang lumiwanag ang table na inuupuan ko. Tumingala ako ng konti at bumungad sakin ang  napaka ganda at kumikinang na silver chandelier at hindi ko namalayan ang paglapit ni anton .

"Nagustuhan mo ba rachel ?"
"Ahhh-o- oo naman, ang ganda.pa-para saan nga pala ito?"
"Take your seat Rachel

Hindi nagtagal nagsidatingan na ang mga pagkain namin

Nagtataka ako kasilahat mg paborito ko nandon at pano nia nalaman ang lahat ng iyon.

"Para saan nga pala ito Anton?"-paguulit ko sakanya kasi tila hindi nia narinig ang sinabi ko kanina. Pero sa pangalawang pagkakataon hindi nia ako sinagot. Hindi nagtagal nagumpisa na kami kumain. Nakakailang kasi para ang prinsesa na pinaghahainan nia ng pagkain at palaging tinititigan. Nakangiti lang ako sakanya. Nakailang subo na kami ng bigla akong may narinig na tugtog na familiar ang tunog na ito. Tumingin ako kay Anton na nakangiti sakin. Nararamdaman kong lumalapit ang mga nagtutugtog ng violin sa tble namin.

 My Heart Belongs To YouWhere stories live. Discover now