#Nagmahal.Nasaktan.Nagbakasyon
Putek di porket sembreak eh mag bre-break na din kami, leche yung lalaki g yun. Wala talagang poreber!!! Sa mga mag syota jan na nagbabasa oo kayo puta nag bre-break din kayo!!!
Dahil broken hearted nga ako ipapatapon ako ng nanay ko sa probinsya. Ok lang sakin nandoon naman lola ko.
Teka teka di ba kayo nagtataka kung bakit ako broken hearted? Malamang katulad ng isang napaka cliché na story naghanap ng babaeng puro foam ang boobs yung ex ko! Jusko malalamon ba niya yung pekeng boobs na yun? May cleavage nga naka cup A na push up bra lang naman yun ako Cup B natural walang foam at di nag pupush up bra, ok na sakin tong normal na size kesa sa katulad ni dyoga girl. Tas yung pwet padding lang leche siya mag sama sila ng hito na yun. Isigang niya ng may pakinabang.
"Aika mag ayos ka na ng gamit mo mamayang madaling araw kayo aalis ng tito mo. Tigil tigilan mo na yung pag eemmote jan di bagay."
Tong si mama basag trip eh, Di nalang magwalis sa bakuran.
"Opo manang este ma!"
"Bumaba ka na jan sa bubong at bitawan mo na yang manika ng kapatid mo kagabi pa yan hinahanap ng kapatid mo!"
Ano nga ba tong ginagawa ko?
Ay oo nga pala may manika ako dito na nakabit yung picture ng ex ko. Di ko siya kinukulam sinusunog ko lang siya HAHAHAHAHAHAHA"Putragis aika ano ginagawa mo jan sa bubong natin patayin mo yang apoy na yan gago ka talagang bata ka!!"
Highblood masyado tong si mama di naman masusunog yung bahay may fire extinguisher ako dito sa tabi. Patayin ko na nga baka ako pa mapatay ng nanay ko.
Pumasok na ako sa kwarto ko may daan kasi dito papuntang bubong namin pagpasok ko
*Blag*
"Aray naman kuya"
"Aika umayos ka ha di na ako natutuwa sa mga pinag gagawa mo dahil lang sa lalaki nagkaka ganyan ka na."
"Kasalanan niyo tong mga lalaki eh lagi niyo nalang kami sinasaktan."
Sabay takbo pababa ng hagdan pucha kayo kaya batuhin ng sapatos na mabaho.
" Waaaaahhhh!!! Tay si kuya binato ako ng sapatos niya ang baho baho pa naman.""Tama na yan hala kain na tayo ng tanghalian. Tawagin mo na mga kapatid mo at Nanay mo."
Una pinuntahan ko mga kapatid ko sa sala.
"Oy mga panget kain na daw"
"Mark tawagin mo na si nanay sa bakuran."
"Yes Ma'am!"
"Oh kamusta na ang broken hearted HAHAHAHAHA"
"Nay oh"
"Tama na yan max"
"Ate yung doll ko bat mo sinunog"
Mangiyak-ngiyak na tanong sakin ng kapatid ko bunso"Jas ano ahm bibilhan nalang kita ha"
"May pasunog sunog ka pa kasing nalalaman"
"Nay malay niyo bigla din siyang masunog diba"
"Loka loka ka talaga kumain na at mag ayos ka ng gamit mo."
"Nay bat siya lang pupuntang probinsya?"-Mark
"Nang di matuluyang maloka yang ate mo"-Tatay
"HAHAHAHAHAHAHAHA"-Kuya Max
"Max tumigil ka nga kakatawa jan nasa hapag ka." -Kuya Mac
Huh buti nga lakas kasi mang asar.
"Maria Aikarille Ibarra tigilan mo nga paglalaro sa pagkain!" T______T ako nanaman napansin ni kuya Mac.
"Opo kuya =_________="
Natapos naman pananghalian namin ng matiwasay,kaya nakapag impake na din ako.
Nang bandang hapon bumisita mga kaibigan ko.
"Day bat ka naman pupuntang probinsya niyo T_____T nag-babalak nga kami na mag gala tayo buong bakasyon eh."
"Dahil ba kay Zac? Bes move on na kung si mich nga bilis maka move on kay jam kaw din dapat. Jusko 1 month lang naman naging kayo."
"Loka di naman yun dahilan, oo may part na kaya gusto ko umalis para maka move on. Kailangan din na kasi ng kasa-kasama ng lola ko doon habang wala yung tita namin. 2 months lang naman ako mawawala."
"Basta ako bes Go ka lang kahit saan basta pasalubong ha HAHAHAHAHA"
Tong tatlong to bumisita lang ata para mambwisit eh. Sila nga pala Sila Vina, kath, Mary ang tatlo kong kalog na kaibigan.
"Basta bes skype nalang. Kahit sawang-sawa na kami sa muka mo gusto ka padin ka namin makita."-trina
"Mga baliw kayo"
"Anong oras ba alis niyo?"-vina
"Mamayang madaling araw."
"Yun sakto tapusin muna natin yung pinapanuod natin na korean novela"-Mary
"Ay go tara sa kwarto."
Umakyat na kaming tatlo dala yung mga pagkain namin. Last Episode na kami sa pinapanuod namin na MoonLovers jusko nakakaiyak sayang si Wang So at Hae Soo 😭😭
*after 1Hour*
"Jusko nakakaiyak naawa ako kay So T___T love na love niya talaga si Hae Soo"-Trina
"Hahanap ako ng lalaking ganyan sa probinsya"
"Taglandi " -Mary
"Hype yan sayang talaga nakakaiyak 😭😭"
*Toktok*
"Mga bata dito na kayo kumain ha"-Nanay
"Opo tita"
Di na namin binuksan yung pinto alam na niyan ni nanay na nanunuod kami pag andito kami sa kwarto.
Sayang love story nila. Ang daming hadlang pero di sila sumusuko. Feeling ko may sumpa yung trono eh.
There's only one thing na di ko makakalimutan sa story na yun. "You cannot get all you want, it's either you choose love over power or power over love". Pero para sa 4th prince pinilit niya parehas na magkaroon noon. Yes nakuha niya ang trono kapalit naman noon ay di niya pwede pakasalan si Hae Soo dahil sa peklat nito at dahil pa sa ibang kadahilanang di sila pwede ikasal. hay love nga naman. Mahal ka nga noong tao pero kapalaran naman humahadlang.
Natapos yung hapunan namin at umuwi na mga bruha kong kaibigan. Matutulog muna ako mamaya pa naman 4 am ang alis namin ni tito. Mahaba habang byahe yun.
Totoo na kailangan ni lola ng kasama dun kaya ako at si tito ko ang pupunta. Wala naman pamilya si tito kaya ok lang sakanya na siya muna ang pupuntang probinsya sakanilang magkakapatid.
Sana maging maayos ang bakasyon ko roon.
BINABASA MO ANG
History
General FictionNo one can change the past No one can But will the destiny become your ali? Will the destiny can change the past?