Chapter 1

2 0 0
                                    

4:30 am na at nasa byahe na kami. Buti nalang may sasakyan si tito. Kasama niya pala yung jowabells niya, kaya andito ako sa backseat naka upo. Matagal tagal pa byahe namin 5 hours ang byahe namin from QC to Panggasinan.

*after 5 hrs*

"Aika gising na"

"Hmmmm opo"

Beyen bitin tulog ko. Parang ang bilis ng byahe wala sigurong traffic.

"Kunin mo na mga gamit mo. Tas umakyat ka na hanapin mo si lola mo."

"Opo"

Umakyat na ako ng bahay. Actually gustong gusto ko dito sa probinsya kasi yung bahay ni lola yung bahay ng mga ninuno natin? Yung katulad ng mga bahay sa vigan? Ganern yung bahay ni lola. Tska yung aura dito sa bahay ang gaan sa pakiramdam. Ang sarap sa feeling, tas mahingin pa fresh na fresh ang paligid.

Pinuntahan ko si lola sa kwarto niya. Nakaupo siya sa tumba tumba niyang upuan at may hawak siyang libro ata.

"Hi lola kamusta na kayo? Namiss po kita" yumakap at humalik ako sakanya miss ko na talaga si lola, yung nga luto niya at alaga nako dabest!!! Ang tagal din namin di nag kita. Huling uwi namin dito mahal na araw pa.

"Ok lang naman apo. Ikaw kamusta ka na? Balita ko broken hearted ka daw?"

"Nako po lola. OPO BROKEN HEARTED AKO. Pero di naman po siya kawalan no sa ganda ng apo niyo? Siya ang nawalan di ako HA HA HA"

"Ikeng ang bitter mong bata ka hahahahahaha"

Sarap sa pandinig yung tawa ni lola. Nako ma eenjoy ko talaga pag iistay ko dito.

"Alam ko ba ikeng dumaan din ang lola mo sa pagiging bigo sa pag ibig"

"Talaga la? Kala ko pers lab mo si lolo kasi mukang mahal na mahal niyo yung isa't isa"

"Oo naman mahal na mahal namin ang isa't isa. pero may mga bagay na di umayon sa amin ni Marco."

"Huh? la sino si Marco?"

"Tara na ikeng kain na tayo sa baba nag handa na ako kanina pa. Niluto ko paburito mong champorado."

Bumaba na kami ni lola. Sakto nasa kusina na pala sila tito.

"Oh ma kamusta na? Ok lang ba pakiramdam mo? Iniinum mo ba gamot mo sa tamag oras?"

"Oo naman jojo. Sino yang kasama mo, nobya mo ba?"

"Opo ma si Joy nga po pala"

"Hello po ako po pala si joy"

Yumakap at bumeso siya kay lola. Nakilala na namin nuon pa si tita joy. Ngayon lang sila nagkakilala ni lola kasi ngayon lang sila nagkita. Bagong jowa bells lang kasi ni tito yang si tita joy.

"Ay ke gandang bata naman ng nobya mo jojo"

"Ay si lola binola pa ako" sabi ni tita joy sabay tawa.

"Ay nako iha hindi ah ngayon lang ako nakakita ng ganyang kagandang muka morena pero kabogera hahahahahahhaa"

Kaloka to si lola alam yung mga salitang kabogera hahahahahaha feeling bagets.

"Ay siya kain na tayo ininit ko na yung champorado na niluto ko"

64 na si lola pero malakas padin at feeling bagets padin.

"Aika pagkatapos mong kumain ayusin mo na gamit mo sa taas naipalinis ko na kay rosita yung kwarto mo, yung iyo din jojo naipalinis ko na ang kwarto mo"

"Opo la, kayo po kumain na din nag almusal na ba kayo?"

"Oo kanina pa sige na doon muna ako sa kwarto ko magpapahinga maaga ako nagising dahil nagluto at inaabangan ko kayo"

"Osige ma magpahinga ka na sa taas kami na bahala dito"

Umakyat na si lola sa kwarto niya. At tinapos ko na yung pagkain ko ng champorado mamaya nalng ulit ako kakain pag ginutom na ako. Iniwan ko na sila tito sa dining area at umakyat na ako sa kwarto ko para ayusin gamit ko.

Nung sumilip ako

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

History Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon