Cutting

929 21 9
                                    

March 8, 2009. Monthsary namin ngayon. Monthsary namin ng girlfriend ko, si Marga.

Ako nga pala si Justin. 10 months na kami ng girlfriend ko. Malapit na ngang mag-1 yr e. Haha. Masaya ako na kahit ilang beses na kaming nagaway, kahit ilang beses na kaming pinaghihiwalay ng mundo, kami pa rin.

"Ang tagal mo naman." sabi ko, nandito kami ngayon sa park. Oo nga pala, di ko pa nasasabi sa inyo, tuwing monthsary namin, nagcu-cutting kami.

Nag-pout lang sya sakin.

"Lika na nga." hinawakan ko kamay nya.

Ritwal na namin na kapag monthsary namin, magcucutting kami at dito lang kami sa park magcecelebrate. Kami na ata yung pinaka-weird na mag-syota e. 

"Uyyy ikaw mag-blow ng bubbles puputukin ko dali!" 

"Eh ayokooo!"

"Naman ee." nag-pout sya. Napa-oo na lang ako. Weakness ko kasi talaga kapag nagpapout sya e.

Buong maghapon naka-tambay lang kami sa park. Ganun lang namin cinecelebrate monthsary namin.

Kaso........

Isang araw bigla na lang nya akong di pinapansin at di sya nagpaparamdam.

April 8, 2009. Monthsary namin ngayon. Kahit di sya nagpaparamdam sakin, nagcutting ako at pumunta sa park. Nagbakasakaling, nandun sya.

Isa't mahigit oras nakong nagaantay. Wala sya. Inikot ko yung buong park, nakita ko sya....

May lalaking nakaakbay sakanya.

Ang masaklap pa... yun ang leader ng isang gang. Si Mark.

Nung makita nila ako, hinila na lang ni Mark si Marga. 

Yun yung araw nang huli ko syang makita.

Isang araw, nakatanggap ako ng sulat.... sulat galing sakanya.

"Hi Justin! 

Alam mo ba, miss na miss na kita. :( Siguro napansin mong di kita pinapansin these past few days. Nanakot kasi si Mark, na kapag di ko sya sinagot, bubugbugin ka nya at buong gang nila. Alam mo namang ayaw kitang masaktan diba? Kaya ko 'to ginagawa. Pero kahit anong mangyari, wag na wag mong iisipin na basta basta na lang kitang pinagpalit. Mahal na mahal kita Justin. Mahal na mahal.... ang baduy ko na. Haha. Sige, yun na lang. I love you.

                                                 -Marga" 

Pagkatapos kong mabasa yun, naiyak ako. Ngayon alam ko na. Alam ko na lahat lahat. At nasasaktan ako. Nasasaktan akong isipin na yung girlfriend ko, sinasakripisyo nya sarili nya para sakin.

April 8, 2010. Anniversary sana namin ngayon.

Isang taon na rin ang nakalipas pagkatapos ng insidenteng yon.

Nakatayo ako ngayon sa puntod ni Marga. 

Oo, patay na sya. Patay na si Marga. Patay na ang babaeng pinakamamahal ko.

Namatay sya nung nakaraang taon. Ni-rape sya ni Mark sa isang abandoned building. Lumaban kasi si Marga, tinadtad sya ng saksak si Mark. 

"Marga, kahit anong mangyari, kahit sino mang babae dumating sa buhay ko, ikaw lang. Habangbuhay."

CuttingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon