Runaway Secrecy

10 1 1
                                    

"Next is Miss Vallierre" anunsyo ng guro na ngayon ay mapanuring nakatitig saakin.

Sino ba namang hindi? Natural na lang sa mga estudyante o mga guro ang mga mapanuring tingin saakin. Bakit? Dahil sa apelyido ko. Isa akong Vallierre. At kilala ang angkan ng mga Vallierre bilang mga tinitingalang magic users.

"Kaano ano niya ang mga Vallierre?"

"Bakit hindi halata? Isa siyang Vallierre?"

"Coincidence? Duh!? Imposible. Ang weak na 'yan? Hahaha"

Naglakad ako patungo sa harapan para isagawa ang ritwal na pagpapalabas ng familar ko. Hindi naman maiiwasan na magbulungan ang ilan pang estudiyante rito. Hayan at kinikilatis pa ng iba ang pagkatao ko. Kung makatitig ay parang nandidiri saakin dahil nga mahina ako.

Tumingin ako sakanilang lahat at inilabas ang aking wand. Tinaasan ako ng kilay ng aming guro nang magumpisa akong sabihin ang chant para sa pagpapalabas ng aking familar.  "Es feuix les de sin. De leuix es ferile feuix."

I waved my hand with my wand. A strange purple light appeared. Sa sobrang nakakasilaw ay nakuha kong ipikit ang mga mata ko. Lahat ng mga estudyante ay ganoon din ang ginawa. Nang mawala ang liwanag ay bakas ang pagtataka sa mukha ng lahat.

"An egg?" Sambit ng isa kong kaklase na may ahas na nakapulupot sa leeg. Ang kaniyang familar.

Everyone in the entire crowd laughed in unsion. Sa lahat ng mga estudyanteng sumubok na makuha ang familar nila ay ako lang ang nakakuha ng itlog. Isang itlog na kasing laki ng sa ostritch, kulay purple ito at may black linings.

Matagal akong nagpractice para dito. Inaasahan kong kahit isa manlang na griffin o kahit anong cool na familar.

Sa sobrang pagkapahiya ay binuhat ko ang itlog at tumakbo papasok ng dorm room ko.

Runaway SecrecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon