Stalk..

7 0 0
                                    


Isang Taon kitang ginusto.







Isang taon kitang pilit kinalimutan.











Bakit kahit nasasaktan mo ako,















May nararamdaman parin ako para sayo.








2nd year high school ako noon at 1st year ka.






Likod mo palang,
kilalang kilala ko na...










Kahit malayo ako,
ang talas talas ng mata ko para mahanap ka...



Alam na alam ko ang tambayan ninyo ng mga kaibigan mo. Doon kita madalas na hinahanap.
Sa umaga pag pasok ko gusto ko nakikita kita.
Iyong inspirasyon ba kung tawagin ng iba.
Kasi pag alam kong pumasok ka. Masayang masaya ako makikita kita kahit saan sa school.



Kapag hindi ka kasi pumapasok, sabihin mo ng corny, pero wala talaga akong gana buong maghapon. Parang nag-aaral nalang ako para makita ka.





Sinusulatan kita madalas na hindi ako nagpapakilala.






Alam na alam ko kung saan ang room at subject nyo bawat oras. Pag break time namin dadaan pa ako sa room ninyo kahit ang layo layo ng canteen iikot pa talaga ako, makita lang kita tuwang tuwa na ako.





May isang beses na bigla ka nalang mapapatingin sa gawi namin.




Bigla naman akong kakabahan. Lumulundag ang puso ko kasi feeling ko sa akin ka nakatingin.





Natutuwa at kinikilig ako ng patago.....






Dahil tingin ko...





Sa wakas ay napapansin mo na ako.

Ganoon parin ang mga pangyayari sa loob ng ilang lingo.. Kuntento na ako nang nakikita at tinititigan ka lang mula sa malayo.

~~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit hindi nalang ako (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon