Isang panget na araw nanaman ang nangyari sakin. Parang lagi naman eh. Hindi nyo lang alam kung ano ang nangyayari sakin. Kung akala nyo nakakatawa ang mga nangyayari sakin, hindi. Asar dyan asar doon. Judge dito judge doon. Hindi ko lang sinasabi sa inyo lahat ng naranasan ko sa buhay dahil gusto ko lang na pasayahin kayo. Gusto ko lang na maging tanga ako sa mga ginagawa ko dahil doon kayo nagiging masaya. Sabi nga ng iba na be your self. Pinapanatili ko lang na maging tanga ako dahil napapasaya ko kayo kahit di ko sinasadya. Balang araw kapag di ko na talaga kaya ang mga nangyayari sakin, sasabihin ko na talaga.
Nandito ako ngayon sa library dahil tapos na yung klase. Ilang beses ko sinabi yung introducing myself pero ganun pa din. Pinagtatawanan parin ako. Wohooooooooo! Kaya mo to Angelica. Nasurvive mo yung first day of school. Kakayanin mo yung susunod na days. Sana nga makaya. Buti late lagi si Dino sa klase kaya di nya ko nakikita. Hindi lang alam ng iba na mahirap talaga mawalan ng magulang. Hindi man lang nila nakita yung mga nangyayari sakin ngayon. Walang liligtas sayo pag kailangan mo ng tulong.
Ayyyyyy oo nga pala. Gagawin ko lang yung homework sa math. Bakit kasi may homework agad sa math? First day na first day eh.
Haaaaaaay! 3:30 ako nag start ng homework sa math pero 4:45 na ngayon. Nastock ako sa no. 2. Hindi ko nga alam kung tama sagot ko sa no. 1 eh. Bakit kasi ang bobo ko? Basic lang naman to tapos hindi mo pa magawa.
"Haai Angelica! Anong ginagawa mo?" Sabi ni Rain
Nagulat ako sakanya ng bongang bonga. Sumusulpot nalang bigla bigla.
"Nakakagulat ka naman!" Sabi ko
"Ginagawa ko yung math pero nastock ako sa no. 2 huhuhu." Nalulungkot kong sinabi
"Haaaaaaaaaaay Angelica! Bakit hindi ka humihingi ng tulong samin ni Nicole. Kayang kaya namin yan." Masaya nyang sinabi
Oo nga pala nasan si Nicole? Bakit di nya kasama? Basta hingi muna ako ng tulong sa kay Rain.
"O sige na nga! I need help na." Sabi ko
Agad naman syang pumayag sa hiling ko.
"Nahihirapan kasi ako sa part na to kasi ang haba ng numb------."
Napatigil ako sa sinasabi ko dahil...
"Ooooooommmmmgggggg! Si Dino! Papunta sa library!" Taranta kong sinasabi.
Ang hirap kayang magtago sakanya kapag sa klase. Buti late sya lagi sa subjects kapag introducing your self.
"Anong gagawin ko Rain? Papunta na sya dito! Baka makita nya ko." Taranta kong sinabi
"Bakit ba? Ano bang nangyari sa inyong dalawa?" Tanong ni Rain
"Basta! Tulungan mo muna akong magtago sa kanya. Ikikwento ko nalang sayo mamaya." Sabi ko
"O sige. Doon ka magtago sa likod ng shelves sa gilid." Sabi nya
Agad naman akong nagtago sa shelves. Isa lang talaga yung problema ko at yun ay kung magsistay sya dito nang matagal. Sana hindi huhuhu.
Paminsan iniisip ko kung magpapakita na ba ako sakanya o hindi dahil lang sa kagwapuhan nya. Malay mo naman kasi maging close kami. Ayan ka nanaman Angelica eh, yung mga iniisip mo hanggang panaginip lang eh.
Whaaaat the---
Papunta sya dito at feeling ko kukuha sya ng libro. Anong gagawin ko. Magpapakilala na ba ako sakanya.Wag pala muna. Tago sa sunod na sheilves. Kunwari nagbabasa. Next page. Wait ambilis ko masyado magbasa. Dahan dahan lang. Kuha ng sunod na libro. Next page. Sana di nya ko mapansin. Dahan dahan umalis sa library.
Takbo. Ay wag pala muna. Baka mapansin. Mamaya na pansinin si Rain.
.
.
.
.
.
Mabuti naman di nya ko napansin. Makauwi na nga.Habang naglalakad palabas sa gate....
Halaaaaaaaaaaa! Yung gamit ko nasa library!
Takbo.
.
.
.
.
.
.
.
Anubayan nandyan pa din si Dino. Pano ko kukunin yung bag ko?Dahan dahan papasok sa library. Baka mapansin eh.
"Rain yung bag ko pala." Sabay smile
"O akala ko di ka na babalik eh."
Sabi nya"Bye." Sabi ko
"O sige bye!" Sagot nya
Dahan dahan na lumabas sa library at biglang...
"Eheem!"
Napatingin ako sa nagtawag at nakatingin sya sakin. Yung parang sinasadya yung pagsabi.
Parang familiar sakin yung buhok nya ha.
Tinawag nya kasi ako nang nakatingin sa papel na parang sinasagutan nya. Parang patong-patong. Mukhang sobrang matalino. Maputi at matangk-----
SI DINOOOOOOOOOOOO!
"Hindi mo na kailangan magtago."
Nagulat ako sa narinig at nakita ko. Tumigil ang mundo ko. Hindi ako makagalaw. Nakatingin pa rin sya sa papel nya.
Baka hindi ako yung sinasabihan nya. Baka pwede pa akong tumakbo. Baka masyado lang akong feeling.
Tatakbo na sana ako nang biglang...
Tumingin na sya sakin. Tinakpan yung ballpen na parang mamahalin. Sinara yung libro na napaka kapal.
Sh*t ako nga yung sinasabihan nya.
Mas lalong hindi ako makagalaw. Nanlalaki yung mata ko habang nakatingin sa kanya. Alam kong mukha akong ewan pero hindi ko talaga mapigilan. Nakatingin lang sakin si Rain at nagtataka kung bakit ganito yung mga ginagawa ko ngayon. Sobrang nakakahiya. Di ko na alam yung gagawin ko. Hindi ko alam yung sasabihin ko. Walang pumapasok sa isip ko. Ang alam ko lang na ginagawa ko ay nanlalaki ang mata, nakasteady na parang mannequin at nakatitig sa kanya.
LUPAAAAA! KAININ MO NA AKOOOO!
Wala akong magawa at masabi kundi mag smile at sabihing...
"Hi!"
Yun lang talaga yung pumasok sa sarili ko.
Tumakbo agad ako palabas nang napakabilis na feeling ko ay mas mabilis pa ako sa pusa at aso. Anlakas ng tibok ng puso ko na parang isang daang bass drum ang pinapalo. Tumatagaktak na ang pawis ko na feeling ko babaha na yung buong school.
Yuuuuck!
Ang alam ko lang ngayon ay tumakbo nang napakabilis papalayo sa kanya. Patagal nang patagal ay naiisip ko na kung gaano talaga ako katanga sa harap ni Dino. Ginagawa ko na nga ang lahat para hindi nya ako mapansin eh. Mas lalo tuloy ako kinakabahan kasi parang una palang ay alam na nyang dito na ako nag-aaral. Praying na sana di nya alam huhuhu.
Makauwi na nga. Baka makita pa ako ulit ni Dino tapos ipahiya pa ako eh. Mahirap na. Mukhang ewan na nga ako dito sa unang day ng class tapos baka mas lumala pa.
Wala nang makakapigil sakin na makauwi. Pebebe lang eh.
Habang palabas na ako sa gate ng aming school, biglang may humarang sakin.
What the! Siya nanaman. Yung babaeng inaway-away ako kanina. Purket talo ka lang kanina eh. Mukhang lalaban ka pa talaga ha. Tignan natin. Hindi sumusuko ang mga taong katulad ko!
(Hi! Sorry kung bitin para sa inyo pero tinatry ko na mas maging mahaba yung ibang chapter 💗💖💟💞
Subaybayan nyo lang si Angelica.)
YOU ARE READING
Beautiful Stranger
Teen FictionOooookaaay lilipat ako ng school. Ok na yun baka mas maganda pa magiging future ko sa bago kong school. Baka nga dun ko pa sya mahanap jooooooookeeeeee! Woooooooohoooooo sobrang kinakabahan ako. Basta bahala na yung author.