"Kung may gusto kang makamit, kailangan mo muna itong paghirapan" yan ang aking natutunan sa aking mga nakaraang karanasan sa buhay at habang mas lumalawak ang mundong aking ginagalawan.
Marso labing-tatlo ng taong 1999 ng ipinanganak ako sa bansang Saudi Arabia, isang bansang lubhang malayo sa ating bansang pilipinas. Nagsimula ang aking kwento nang lumuwas muli ng bansa ang aking inang kakatapos pa lamang sa kanyang isang buwang bakasyon upang makapiling muli ang aking ama at dalwang kapatid na babae. Hindi niya alam na sa pagbabalik niya sa bansang dayuhang ito ay may nabubuo na pala muli na bagong buhay sa kanyang sinapupunan, at nang nalaman nya ito ay agad nya itong isinaulat sa aking ama. Ipinanganak ako at pagkalipas ng pitong buwan ay tumigil na ang aking ina sa pagtatrabaho at bumalik na sya ng Pilipinas na kasama na ako.
Pasaway at makulit na bata ako pagkat palaging akong lumalabas ng bahay para lamang makipaglaro sa aking mga kaibigan at mga pinsan kahit na halos kalalakihan ang aking mga kalaro.Marami-rami ring sugat ang aking natamo ng dahil rito. Apat na taong gulang ako ng nagsimula akong mag-aral. At pagkatos ng isang taon ay lumipat na ako ng eskwelahan bilang isang kindergarten. Taong 2008, sa aking pagtungtong sa ikatlong baitang, ay lumipat kami ng bahay sa Cumadcad, Sorsogon dahil ito ang gusto ng aking ina, na syang kanyang naging tahanan nila ng aking ama nung musmus pa lamang sila at upang mas malapit kami sa aming mga kamag-anak, ngunit hindi ito naging handlang upang ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa isang paaralang mahigit isang oras ang layo mula sa aming tahanan. 2011, anim na baitang ako noon, nang lumuwas muli ng bansa ang aking ina upang magtrabaho ulit at matustusan ang aming mga pangangailangan at kagustuhan, dahil hangad niya na mabigyan kami ng magandang buhay. Ito ang masasabi kong isa sa pinakamalungkot na pangyayaring dinanas hindi lamang ako kundi pati na rin ng aking nakababatang kapatid, ang mawalay ng matagal sa aming ina. At ng dahil roon, ay mas nagsumikap pa ako sa aking pag-aaral.
Atngayon, ng dahil sa aking pagsusumikap ay unti-unti ko ng naaabot ang aking mgapangarap.