Alay 8

19 0 0
                                    


Lana's PoV

Inayos ko ang upo ko nang makita ang pagbaba ni Amir sa pader, mabilis siyang nagtago sa maliit na puno kung saan makikita ang mga kasapi namin sa pook.

Agad akong napangisi nang makitang sa iisang tao lang siya nakatingin.

I told you self! This Half Human is already falling to someone.

Pangalawang araw nang ganito ang ginagawa niya everytime pumupunta siya dito. At ako? Lihim na pinagmamasdan lang siya.

"Bakit ba abala siya palaging kasama si Kahel?" Natawa ako nang mahina sa sinabi niya. Halatang naiinis din siya.

Marahas na binagsak ni Amir ang katawan niya sa damuhan, sa ilalim nang puno.

"napapadalas yata ang pagtambay mo dito Amir" bigla nalang siyang napabalikwas galing sa pagkahiga nang marinig niya ang boses ko. Lumapit ako sakanya nang nakangisi.

"Anong napapadalas? Palagi naman talaga akong nagpupunta dito" muli siyang humiga sa damuhan, at umupo naman ako sa gilid niya.

"This early? Nah, i think this isn't always" umupo siya sa pagkakahiga ulit at pinaningkitan ako nang mata.

"Tigilan mo nga ako sa ganyang lenggwahe niyo. alam mo, Simula nang dumating si Ylla dito, madalas ka nang ganyan mag salita" tinaasaan ko siya nang kilay. Of course not!

"Hindi noh!" Iniwas ko yung tingin ko sakanya. As if naman!

"Sus!" Sabi nito at tinulak ako nang mahina kaya tinulak ko siya nang malakas. "Aray! Anong problema mo!" Sabi niya nang tumama ang ulo niya sa katabing puno. Natawa ako kasi ang pangit na nga niya, mas lalo pa siyang pumangit nang mauntog ang ulo niya.

"May gusto ka na sakanya?" Nakangisi kong sabi.

"Ano? Kanino naman?" Pag mamaang maangan niya.

"C'mon dude!" Siniko ko siya habang tumatawa nang mahina.

"Aish! Tigilan mo nga ko sa lenggwahe mo!" Inis niyang sabi, kaya natawa na ko nang malakas.

"Haha, kay Ylla. may gusto ka na kay Ylla, diba?" Bigla siyang nabalisa at tumingin sa itaas.

Hahaha. He can't lie to me.

"H-hindi ah? Yung babaeng yun?" Pag dedeny niya pa.

"Sus! Eh bat nandito ka?" Tanong ko pa.

"Ano ka ba Anal! Nandito ako para tumambay, hindi ko kaya tinitignan si Ylla na abalang nag eensayo kasama yung Kahel na yun!" Natawa ako sa reaksyon niya. "Oh bakit tumatawa ka nanaman?" Dagdag niya.

AlayWhere stories live. Discover now