Pintig ng puso'y bumibilis tuwing ika'y nakikita
Ikaw lamang sa puso ko ang sinisinta.
Suliranin man ay di na alinta
Basta't iyong sinambit ang salitang " mahal kita".
Pagmamahalan natin ay walang humpay
Hindi mapapalitan ng kahit anong lumbay.
Ang puso natin ay pinag -uugnay
Nang tadhanang sa atin ay gumagabay.
Lumipas man ang panahon para sa atin
Nagbungang pag-iibigan natin ay patatatagin
Nang di mawasak ninuman ang ating pag-ibig
Pagkat ito'y isang walang humpay na pag-ibig.
