Business partners?
Nakabalik na kami sa Pilipinas, kami ni lola sila mommy and daddy kasi nagpaiwan kasi mag business kami dito. Pero paminsan minsan pumupunta sila ng Italy para bisitahin ako.
Kinuha ko yung laptop ko tapos nag facebook. Habang tinitignan ko yung newsfeed ko nakita ko na nagpost si Punzalan ng status.
Just got enrolled with Joshua Marl
Tapos sa baba may picture. Si punzalan ex ni jl kaibigan ko nung elementary, hindi ko alam na close na pala sila ngayon kasi alam ko si tarc ang ka-close ni Joshua dati.
Hindi kasi kami friends ni Joshua sa facebook hindi niya ako inaaccept eh.
So dun pala sila nag-enrolled? Nalaman ko rin na since grade six pala umalis na si Joshua sa dati naming school at lumipat dun sa pinag enrollan nila ni Punzalan, so since grade 7 dun na siya?
Hmmm.. Naiisip niyo ba ang naiisip ko?
"MOMMMMMMYYYYYYYY!!!!" sigaw ko.
"Bakit Liza?" tanong nila mommy at daddy with a worried face.
"Gusto ko dito pumasok" sabi ko sabay pakita nung school nila Joshua syempre sinearch ko na sa google.
"Ayan lang naman pala why are yoj shouting?" sabi ni daddy.
"Wala po excited lang hehe"
"Naku ikaw talagang bata ka, magkikita ba kayo ni Lorraine?"
"Yes po, later"
"Ok gusto mo bang ikaw nalang ang mag enroll for yourself?"
"Opo"
Pagkalabas nila mommy ng kwarto ko nag ayos na ako magkikita kasi kami ni Lorraine miss na miss ko na ang loka lokang yun.
Lorraine is my bestfriend since grade 5 nung lumipag ako sa pangalawa kong new school and sa pagkakaalam ko nandun parin siya hanggang ngayon. Si Lorraine lang yung nakakaalam ng pagkakacrush ko kay Joshua eversince oo kasi hanggang ngayon? Gusto ko parin siya gustong gusto.
"Lizaaaaaaa!"
"Lorraineeeee!"
Nagyayakapan kami dito ni Lorraine sa starbucks. Kayo kaya 1 year niyong hindi makita bestfriend niyo? Lalo na sa mga girls? This is normal.
"Gosh Liz ikaw na ba yan? Ang ganda mo naman yata?"
"Wow salamat ah? So that means n panget ako dati?"
"Joke lang what i mean is mas lalo kang gumanda"
"Kompletuhin mo kasi"
Pagkatapos namin mag drama dun, namili muna kami ng mga gamit sa national bookstore para sa pasukan.
"Hindi ka na ba babalik sa school?" tanong ni lorraine habang nag t-try ng iba't ibang ballpen.
"Gusto ko sana alam mo naman wala eh nandun si Joshua"
"Grabe ah? Konti na lang magseselos na ako mas pinipili mo siya kaysa sa akin"
"Raine? Hiyang hiya naman ako? Ang lapit ng school natin! Pwede naman tayong makita everyday sa 7-eleven"
"But it's still different mas maganda kung we are in the same school"
"Kung ikaw nalang kaya lumipat for me?"
Natahimik siya, "Oo nga noh? Bkit di ko naisip yun? Wala naman akong maiiwan na crush eh ikaw kasi nandun si joshua mo"
"Tama raine tama"

YOU ARE READING
Hopeless
Художественная прозаSince elementary magkaklase na kami, pero kahit kailan hindi niya ako pinapansin siguro bilang lang sa daliri yung mga panahong kinausap niya ako. Siya lagi ang escort sa kahit na anong activities sa school. Gwapo naman kasi talaga siya i swear that...