Bawal na Gamot

82 1 1
                                    

Sa kasalukuyang panahon, marami nang tao ang nalolong sa paggamit ng Bawal Na Gamot o "Droga". Nagdulot na ito ng iba't ibang uri ng krimen, na nauuwi sa malalang pangyayari, ang pag kamatay ng biktima. Sa murang halaga lamang ay maaaring makabili kana ng Droga, kaya may mga pagkakataong hindi lang ang mga matatanda kundi ang mga kabataan ay naiing-ganyo na din sa paggamit nito. Sa pag usad pa ng aking pananaliksik, malalaman natin kung ano nga ba ang Droga at posibleng epekto ng Droga sa ating katawan lalo na sa utak at ang iba't ibang uri nito.

Ayon sa Wikipedia, ang Droga ay tumutukoy sa anumang sangkap, hindi kasama ang tubig at mga pagkain, na nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan ng tao at katawan din ng tao. Maaaring makaapekto ang Droga sa isip lamang ng tao o sa katawan ng tao, subalit maaari ring parehong maapektuhan ang mga ito. Batay sa talaan ng Batas Republika bilang 9165 (Republic Act 9165) ng pilipinas, tinatawag at itinuturing na bawal na mga gamot ang mga sumusunod at kanilang mga kauri: marihuwana, resin ng marihuwana, langis ng resin ng marijuana, ecstacy (methylenedioxymethamphetamine o MDMA), paramethoxyamphetamine (PMA), trimethoxyamphetamine (TMA), liserhikong asidong dietilamino (lysergic acid diethylamine o LSD), gamma hydroxybutyrate (GHB), methamphetamine hydrochloride ( mas tanyag bilang shabu, ice, o meth), opyo, morpina, heroina, at kokaina (cocaine hydrochloride). Kabilang din sa mga ito ang anumang bagong natuklasang mga gamot at pinagkunan ng mga ito, na hindi naman nakakagamot, bagkus ay nakapipinsala sa tao. Sa pagbibigay kahulugan ng Wikipedia, may iba't ibang uri na pala ang Droga at nakakatakot ang epekto nito sa pag iisip ng tao. Bagama't alam na natin ang epekto ng Droga may mga taong hindi ito matanggihan. Sa aking sariling depenisyon ng Droga, ito ay pinaghalo halong kemikal na nagbibigay ng pansamantalang sarap sa kaisipan at sa pagtagal nito ay unti-unting nasisira ang iyong utak. Dahil sa laganap na ang bentahan ng Droga sa kasalukuyang panahon, maraming batas na ipinatupad ang ating Gobyerno para labanan ang pag laganap at maparusahan ang mga gumagamit nito. Isa na rito ang (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), nilalayon ng batas na ito ang mahigpit Na paglaban sa ipinag-babawal na gamot. Ipinatupad ito ng Gobyerno upang mabawasan ang krimen at mga taong lolong sa paggamit ng Droga.

Tunay nga na nakakatakot ang Droga, kaya sana tulungan natin ang Gobyerno sa pagsugpo nito sa pamamagitan ng: pagmulat sa mamamayan ukol sa epekto ng Droga, pagbibigay kaalaman sa kapwa at pagsumbong sa pulisya, kung may nakita o kilalang tao na gumagamit ng Droga. Sa pamamagitan nito, makakatulong tayo sa Gobyerno at sa ating bansa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 19, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bawal na GamotWhere stories live. Discover now