"Mommy! Alis na po ako! Baon ko po!"
"Oh ayan, magtino"
"Opo"
Pagkatanggap ko ng baon ko ay agad akong lumabas ng gate at nag abang ng masasakyan. First day of school ko ngayon at bagong transfer pa ako sa ibang school. Kaya naman kailangan maaga ako.
*
Mabilis naman akong nakarating sa school at doon ko natanaw ang elementary bestfriend ko. Si Eyca.
"Sis! Omg! Dito kana talaga! Sana classmates tayo!" Sabay yakap sakin ng napakahigpit.
"Ala paano kung di tayo magkaklase? Mahihirapan ako sa mga bagong makikilala ko huhuhu" Sabi ko habang naglalakad kami patungo sa isang classroom.
Huminto kami sa isang classroom at tiningnan namin ang papel na nakapaskil doon. Nakita ni Eyca ang pangalan nya roon. Pero, yung akin, wala.
"Sis! Pano nayan? Baka di tayo magkaklase 😪" Sambit ko sakanya na medyo paiyak na.
"Sis ano kaba? Malay mo wala pa talaga yung sayo kasi transfer ka"
Pangmomotivate nyang sabi sakin.Medyo lumakas yung loob ko kasi oo nga naman, baka kaya ganun kasi transfer lang.
-Pumasok kami sa loob ng silid at maya maya'y dumami na ang estudyante roon at dumating narin ang guro.
"Magandang umaga, Ako si Binibining Lene. Ang mga babanggitin ko ay kabilang sa klase at ang hindi ay pakihanap nalang sa ibang seksiyon. Salamat" Pormal na sinabi ng guro.
Habang nagtatawag siya ng pangalan na mapapabilang sa klase niya ay kinakabahan parin ako. Nabanggit na kasi ang pangalan ni Eyca pero ako ay hindi pa.
Sa alphabet mas una ang apelido ko kesa sa kanya. Kaya namamawis na ako. Pero inisip ko nalang na ako ay transferee lang kaya baka na sa kahulihulihan ang pangalan ko.
"Yun lang at maraming sala-. Ah miss? (Sabay turo sakin) Pasensya kana pero hindi ka sa seksiyong ito"
Pagkasabing pagkasabi niya ng mga katagang yon ay parang mas lalong dumikit ang pwet ko sa kinauupuan ko.
Ayokong umalis dito. Parang ganun ang tinutumbok ng pwet ko.
Pero alam kong baka mapahiya lang ako kaya tumayo ako dala ang mga gamit ko. Sinamahan naman ako ni Bb. Lene para hanapin kung saan ako. Maya maya,
"Goodmorning Ms. Lene" Sabi ng guro na papasok sa tapat ng silid na kinaroroonan namin.
"Goodmorning din mam, pwede bang makita ang masterlist mo? Hindi kasi sakin ang batang ito e"
Hinanap nung isang guro kung nadoon ba ako sa listahan na hawak niya. Gustong gusto kong sabihin ay Bb. Lene na hindi naman talaga ako kanya dahil hindi niya ako pinagbuntis.
But I don't want to be rude like that."Okay, sakin nga po siya ma'am Lene. Salamat" Sabi nung isang guro na napakalaki ng ngiti. Isa pa to e kanya raw ako. Kelan pa ko naging fetus ulit at sinuksok sa ovary nito? Nako.
Rude ba ko? Nabadtrip lang ako di ko kasi kaklase si Eyca at kinakabahan ako.
"Halika," Sabi sakin nung guro. Sumunod ako sakanya at pumasok sa silid na tinahak niya. Agad akong naghanap ng mauupuan dahil pagpasok ko ay andaming matang nakatingin sa akin.
Habang naghahanap ako ng upuan biglang, may yumakap sakin.
"Di mo naman sinabi na dito ka na papasok! Nako, dun kana sa tabi ko bakante" Agad akong sumunod sakanya. Siya si Lee. Schoolmate ko nung Elementary. Buti nalang nandito to. Haysss medyo nabawasan ang kaba ko.
"Hi Cess! Kumusta?" Napatingin ako sa nagsabi noon ng tawagin nya ang pangalan ko. Doon ko napagtanto na medyo marami rin pala akong kakilala rito.
Kung sa bagay, sikat ang paaralan na ito sa bayan na to. Kaya di na dapat ako magtaka.
"Okay lang naman 😄"
Masaya naman ako dahil medyo madali lang mag adjust kasi may kakilala naman ako.Pinakilala ako ni Lee sa girls. Medyo hindi ako nahiya. Ewan ko ba. Unang pasukan palang biglang kumapal yung mukha ko 😂 Lakas ko makamura agad. Hahaha.
Oo nagmumura ako. Hindi naman ako perpekto.
YOU ARE READING
Mutual Understanding
RomanceMU? Malanding ugnayan? Magulong usapan? Kahit ano pa yan, mahirap ang ganyang sitwasyon. Dahil based on the dictionary, Mutual understanding is the two person who knows that they love each other but they have no relation. Ang hirap diba? Ang hirap...