PROLOGUE
Paano mo nga ba malalaman kung in love ka na?
What makes a person fall in love? Is it the looks?
The personality, the charm? Love is a silent
predator, you'll never know until it hits you. Iyan
ang katotohanan.
But is it possible to fall in love with a mere
picture? Without knowing the person's origin,
personality, or all the possible things that can
normally make a person fall in love; is it, possible
to fall in love? Alam niyo ba yung feeling na kapag
nagmaterialize sa harap mo ang isang tao na
matagal mo nang hinahanap? Doesn't it make you
just want to do everything for that person? Kung
kaya mo ngang ibigay sa kanya ang mundo o ang
buong universe gagawin mo eh.
Pero what if, she's not who you think she is? What
if lies and deception sets in. What if the person
you met and the person you waited are different,
would you still love the person in front of you? Or
would you go to the person who made you fall?
*****
CHAPTER 1: SANA TALAGA
Limang taon na ang nakalipas simula noong mapulot
ko ang larawan ng isang babae na may maamong
mukha at napakatamis na ngiti ngunit. Sa tuwing
tinititigan ko ang kaniyang ngiti ay gumagaan ang
pakiramdam ko.
Limang taon na ang itinanda ko pero hindi pa rin
nagbabago ang litratong ito. Katulad pa rin ito
noong araw na napulot ko, parang hindi niluma ng
panahon. Ilang taon na kaya siya? Anong pangalan
niya? Saan siya nakatira? Ang dami kong tanong na
hanggang ngayon ay wala pa ring sagot. Hindi ko
rin alam kung bakit ko pa rin ito itinatago.
Sinubukan ko naman siyang hanapin noon pero nabigo
lang ako. Siguro napadaan lang siya sa lugar namin.
"Hoy! Hawak mo nanaman 'yang litrato na yan!" Ani
Jolo. Kahit kailan talaga ay magulo 'tong sira-ulo
kong kaibigan.
"Pakialam mo ba?"
"Para ka kasing ulol d'yan. Ma-iinlove ka na lang,
sa litrato pa talaga! Daming magagandang babae na
nakapalibot d'yan oh!" Isa-isa niyang itinuro ang
mga bago naming kaklase. Oo, magaganda nga sila
pero mas nagtataka pa rin ako kung bakit masyado