~ † The Two Leaders Part 2 † ~

2.3K 123 32
                                    

~ † The Two Leaders Part 2 † ~

Parang wala namang kakaibang nangyayari sa paligid pagdating ni DJ sa Moon Angels Academy. Isang oras na din niyang inaassist ang mga pailan ilang professionals na nagtatanong tungkol sa kung saan ang classroom designation nila. May tatlong SAs na nandoon rin pero hindi pa niya ito kinakausap. Naiinip na siya sa monotonous na ginagawa niya lalo na, wala pa ang 'subject' nya kaya siya nandito ngayon at nagpapakamartyr na magSA.

"Excuse me, wala pa din ba si Julia? Dadating ba sya?" Hindi na niya matiis at nagtanong na siya sa isa sa mga SAs na kasama niya. Nagkibit balikat lang ito at bumalik sa inaassist nito.

Para mawala ang inip, lumabas si DJ ng SA office. Wala na din naman siyang iaassist dahil nagsstart na ang klase sa taas ng main building. Sasamantalahin na rin nya tuloy na magobserba sa paligid kung totoo nga ang hinala ng mga Warriors.

Sinimulan niyang pakiramdaman ang paggalaw ng mga halaman at puno dahil kadalasan, nagtatago din ang mga bampira dito. Magahalong kaba at excitement ang nararamdaman nya sa gabing ito dahil kung sakali, first time nyang makakaharap ang kinatatakutang Vampire Cult. Unti-unti nang naglalaro sa isip niya ang pwedeng mangyari. Tulad ng Warriors, may leader din ang Vampire Cult at gusto niyang patunayan kung talagang malakas ito...gusto nyang ipakita na kaya nyang talunin ang leader ng mga bampira...na wala itong binatbat sa kanya kahit na may kakaibang kapangyarihan pa ang mga ito.

Ipinagpatuloy ni DJ ang paglalakad sa paligid ng Moon Angels Academy hanggang sa may marinig siyang pamilyar na boses. Dahan dahan siyang lumapit sa pinagmumulan ng boses para makinig dahil parang may kausap ito.

"Wag kayong mag-alala ako na po ang bahal jan." Yun lang ang narinig ni DJ ng malinaw at natapos na ang usapan. Ilang sandali pa naaninag na niya si Julia na palapit sa kanya.

"Alam mo, hindi tama na nakikinig ka ng usapan ng may usapan. Are you spying on me? Or stalking?" Sarkastikong tanong nito nang makalapit sa parang napahiya namang si DJ.

"Sorry, kala ko kasi kung sino... Pasensya na. Ano nga pala ginagawa mo dito? Tsaka kanina ka pa ba dito? Bakit di kita nakita? At bakit dito ka pa sa building na walang mga ilaw nakikipagusap sa phone? Di ka ba natatakot?" Sunud sunod na tanong ni DJ na nagpatawa naman kay Julia.

"Bakit masyado kang interesado sa kung anong ginagawa ko?" Mapanubok na tanong ni Julia. Natahimik naman si DJ sa tanong niya.

"May kinuha kasi akong susi dito sa isa sa mga rooms dahil may kailangan akong buksan na filing cabinet sa SA office. Yung kausap ko kanina, siya yung nagsabi kung san nakalagay." Pinaliwanag na lang ni Julia nang makita na parang nag-iisip ang kasama nya.

"Wag ka umaalis mag-isa lalo na kung gabi. Kababae mong tao hindi ka nag-iingat." Nag-aalalang sabi ni DJ.

Kung pwede lang niyang sabihin kay Julia ang tungkol sa mga bampira para maintindihan nito kung ano ang dapat ikatakot at kung bakit nag-aalala siya.

"School po ito. Safe dito. Isa pa, kaya ko ang sarili ko. Sino naman kasi mananakit sakin dito?" Tanong ni Julia habang pigil ang tawa sa sinabi ng kausap.

"Wala...never mind. Bumalik na tayo sa SA office?" Alok ni DJ. Mas mainam nang magstay sila sa SA office kung san madali silang mapupuntahan ng Warriors kung sakaling may maganap ngang engkwentro ng mga bampira.

"Julia, naniniwala ka ba sa mga bampira?" Habang naglalakad pabalik sa SA office, naisipan ni DJ na magtanong para naman hindi sila mabingi sa katahimikan. Ramdam din niya na naiilang si Julia kaya hindi ito kumikibo at pinaglalaruan lang ang susi na hawak nito sa kamay.

"Hmm?" Napahinto sa paglalakad si Julia.

Hindi alam ni DJ kung ano ang ibig sabihin sa tugon ni Julia sa tanong nya kaya itinuloy na lang niya ang nasimulan na niyang topic.

Scented Poison (RoseBlood Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon