Chapter 20

874 18 2
                                    

Dennise POV.

"nerd?" . Tawag ko sa atensyon ng may ari ng bahay na kung nasaan ako ngayon.

"hmmm?" . tugon nya pero nakatingin pa rin sa tv.

Nakaupo lang kami sa kama nya at nakasandal pa sa headboard.

"bakit ka nga pala mag isa ka lang sa bahay mo?" . takang tanong ko sa kanya.

"kaya nga bahay ko e. Natural ako lang mag isa." . pilosopong sagot nya.

Pinalo ko naman sya ng mahina sa braso.

"yung totoo kasi! Simulan mo na!" . pamimilit ko sa kanya.

"simulan?? Pwede ba akong mag kwento na hindi nag uumpisa sa simula?? Kasi kahit ako hindi ko alam kung nasaan ba yung simula ng buhay ko. Ang laki ng kulang sa ala ala ko. Sa totoo lang pati ako naguguluhan sa buhay ko. Di ko nga alam kung buhay ba talaga ako. Alam mo ba umalis ako sa bahay ng mga magulang ko. Kasi pakiramdam ko dapat mag isa lang ako. Simula nung mawala yung dalawa sa mga mahal ko lalo ko pang ginustong mag isa. Yung mga magulang ko na walang ginawa kung hindi mahalin ako pero anong ginawa ko?? Sinaktan ko lang sila! Dapat kasi ako nalang yung nawala e! Kasi mas deserve ko pa! Tawag ko nga sa sarili ko ang laki laking salot!" . mahabang kwento nya.

Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nya. Parang anytime iiyak na sya. Gusto kong pawiin yon. Pero hindi ko alam kung paano.

'ano ba naman kasi yung tanong ko na yun! Yung bunganga ko talaga hindi alam kung saan hihinto! Pero dahil sa kinwento nya lalo lang akong nacurious sa kanya. Ang misteryosa nya talaga! Pero sa tingin ko kahit sya hindi alam kung ano ba yung nang yari sa nakaraan nya parang kulang kulang..'

"salamat nga pala dahil nandyan ka.." . nakangiting sabi nya sa akin.

Bakit ganun? Ang cute nya sa paningin ko?? Please wag ako!

"walang ano man. Nandyan din naman sila gretch diba? Marami kang mga kaibigan." . -ako.

"oo nga pala! May mga bagong dumagdag pa!" . -sya.

"tingnan mo nga--"

"sila the wafs and laura!" . -sya.

Napabusangot naman ako sa huling pangalang binanggit nya.

"psh! Laura daw! Dapat pala nag pasalamat nalang ako hindi ko na dinagdagan pa na marami syang kaibigan. Tsk!" . bubulong bulong ko habang tumatayo.

"saan ka pupunta??" . tanong nya.

"sa banyo lang po mahal na prinsipe!" . pabalang kong sagot at padabog kong sinara yung pinto ng banyo.

"laura nanaman?! Nandito naman ako ah?! Pina alala nanaman nya yung pangalan na yun! Tsk!" . .bubulong bulong ko habang nag lalagay ng toothpaste sa toothbrush.

Nakita ko yung repleksyon ko sa salamin kaya inirapan ko ito. Banas na banas talaga ako sa pangalan na yun!

Pag labas ko ng banyo ay nakahiga na sya at nakapatay na yung tv.

Binagsak ko yung pwetan ko sa kama atyaka padabog na humiga sa tabi nya.

Bumangon naman sya at itinukod yung kamay nya sa ulo nya para tumaas ito habang nakaharap sa akin.

My Nerdy love (alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon