Teaser:
8 years ago...
"Bata! Bata! Pa'no ka ginawa?" Tinignan ko kung sino ang boses babae sa aking likuran.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at nagpameywang ako. Tinaasan ko ng kilay ang batang babae sa aking harapan. Sobrang liit niya kumpara sa akin.
"Eh ikaw, pa'no ka ginawa?" Taas kilay kong tanong. Siya naman nagsimangot at may binulong. Hindi na ako nag-aksaya ng oras ko at umalis na ako.
"Panget!"
Automatic akong napalingon sa kinaroroonan ng babae kanina at nakita ko siyang nakaturo sa'kin.
"Ako panget?" Naghahamon na tanong ko. Aba kahit bata ako palaban ako.
"Oo, sabi ni kuya!" Bumelat ito.
"Saan 'yung kuya mo!" Pagalit kong tanong. Napa-atras naman siya at tinuro ang kuya niya na nagtatago sa puno. Mas matangkad lang siya kaunti sa'kin pero hindi ako papatalo!
"Hoy lalaking nagtatago sa puno!" Lumapit ako sa kapatid niya at tinuro ang kapatid niyang nanginginig.
"Kapag inulit mo pa 'yon, lagot 'tong kapatid mo! At lagot ka sa akin!" Banta ko at umalis na. Lumingon ako sa kanila at nakita kong tumatakbo sila nang mabilis.
Duwag.
**
"Baby! Saan ka ba galing ha? Kanina ka pa namin hinahanap. Gala kana ha. Baka may kumuha sa'yo dito." Bungad ni Mama sa'kin pagkarating ko ng bahay.
"Gusto ko ng barbie." Nakangusong aniya ko. Lagi nalang ganyan si Mama sesermunan ako tapos hindi ako bibilhan ng laruan.
"Hay nako, tara nga dito. Magpalit ka ng damit mo. Pawis kana oh, saan ka ba kasi pumupunta!"
Papunta na sana ako kay Mama, ngunit biglang napatingin si Mama sa gawi ng pintuan at napatingin na rin ako. Nakita ko kanina 'yung lalaki at 'yung kapatid niya na hingal na hingal.
"Oh? Baby, kalaro mo 'ata 'yan?" Hindi ako sumagot sa tanong ni Mama at pinuntahan nalang 'yung dalawang tao sa pintuan namin.
"Oh? Bakit alam niyo 'yung bahay namin ha!" Nakangusong sambit ko. Tinignan ako no'ng lalaki at ngumiwi ito.
"Gusto ko lang mag-sorry sa ginawa ko at ng kapatid ko. Pasko ngayon eh ayokong may kaaway ako," nakangiting sabi niya sa'kin. Tinignan ko 'yung kapatid niyang babae na nakasimangot.
"Okay lang 'yun! At saka baka magalit si Mama kapag nalaman niyang nakikipag-away ako."
"Sa totoo lang, naririnig niya tayo." Bigla akong napatingin sa likod at nakita ko si Mama na nakangiti. Nagkamot ako ng ulo bago ko tinignan ulit 'yung lalaki.
"Anong pangalan mo?"
"Vince, ikaw?"
"Abby!"
"Oh, Abby ito 'yung kapatid ko si Michelle. Tatlo kaming magkakapatid kaso wala si Kuya. Oo nga pala, aalis na kami uuwi na kami eh. Ingat ka Abby ha?" Paalam niya sa'kin. Bigla naman akong lumungkot at ngumuso.
"Saan ka pupunta?" nakasimangot kong tugon."Uuwi na ako, nagbakasyon lang kami dito sa Ville City. Sige na, maya-maya aalis na kami eh. Sana magkita pa tayo!"
"Paano kita matatandaan kapag lumaki na ako? Syempre baka hindi na tayo magkita, wala na tuloy akong kaibigan." malungkot na sabi ko. Ngumiti siya at ginulo niya ang buhok ng kapatid niya.
"May sakit ka ba?"
"Wala ah!"
"Sige na nga, 'eto picture ko. Sana kapag lumaki na tayo mamukhaan mo pa ako," sabi niya at binuksan niya ang kanyang wallet at ibinigay sa'kin ang picture niya na nakangiti.
"Salamat bestfriend! Ingat kayo ni Michelle ha? Babye!" Tumango nalang siya sa'kin at naglakad. Pero bago pa siya makalayo ay lumingon siya sa'kin at kumaway, kumaway rin ako pabalik.
"Aba!"
Sa sobrang gulat ko ay nasuntok ko 'yung gumulat sa'kin. At napagtanto kong si Kuya 'yon.
"Aray! Ano ba 'yan eh!" Maktol niya habang hawak ang kanyang mukha.
"Bagay lang sa'yo 'yan, hmp!" Mabilis akong umalis at pinuntahan si Mama na nagluluto na pala. Pero bago pa ako makalapit ay biglang sumigaw si Kuya.
"Hoy! Sino 'yon ha? Ikaw ah! Seven ka palang may manliligaw kana!" Nanlaki ang mata ko at pinuntahan si Kuya.
"Gagawa ka na nga lang ng istorya mali pa! Lapit ka sa'kin at mag-wrestling tayo!" Hamon ko at nagtaas ng ulo na may kasamang pameywang pose.
"Tara ba!"
At 'yun nga, nauwi kami sa rambulan. Araw-araw kaming gan'on ni Kuya. Magsusuntukan, magrarambulan at maghahabulan hanggang sa may mabugbog na talaga. At ang palaging panalo, siyempre ako. Lagi ba namang nanonood ng UFC ba 'yon?
Pero gusto ko talaga malaman kung saan pumunta 'yung Vince na 'yon. Sayang at hindi ko natanong. Siya ang lalaking may lakas ng loob mag-sorry sa'kin sa kabila ng pag-susungit ko kanina.
Vince...Vince...Vince... sana magkita pa tayo. Ikaw ang kauna-unahang kaibigan ko sa buong buhay ko. Sa kabila ng mga panunukso sa'kin. Akala ko nga aawayin mo rin ako katulad ng pang-aaway ng mga kaibigan ko sa lugar namin.
Hindi pala...
****
Next chapter is back to reality na.
RVC po tayo. Read, Vote and Comment tayo para naman matuwa ako hehe!
YOU ARE READING
My Heart Beats Only For You [ONGOING]
Short StoryStarted at: November 20, 2016 Ended at: