Chapter 1

82 6 1
                                    

Umaga na, ngayon na ang kanilang alis papuntang Sonyeondan sa Pilipinas. Hindi maipaliwanag ni Abigail ang kanyang kagalakan dahil, sa wakas ay makakaalis na siya sa tinatawag niyang impyerno.

"Hay!" Humikab ito at inunat pa ang kanyang kamay. Tumingin si Abigail sa mga bahay na nasa ibaba at suminghot ng rugby--este hangin, inilagay niya pa ang kanyang braso sa kanyang dibdib.

Nasa terrace siya ngayon, at nagpapahangin. Nag-iisip siya kung ano ang itsura ng Sonyeondan kung, maganda ba ito at maraming pasyalan. Kung magkakaroon ba siya ng kaibigan sa paglilipatan ng kanyang pamilya.

Dito sa Ville City wala siyang kaibigan. Hindi niya naranasan ang magkaroon ng bestfriend. Hindi niya naranasan ang mamasyal o gumala kasama ang kanyang mga kaibigan. Tanging pamilya niya lang ang kanyang kasama, bagamat kahit sawa na siya sa kanilang pagmumukha, wala siyang magawa dahil wala naman siyang kaibigan.

Hindi niya maintindihan kung ayaw sa kaniya ng mga tao. Aaminin niyang pangit siya at madalas nagkakaroon ng tigyawat sa ilong. Ang itinuturi niyang kaibigan ay ang kanyang kapatid na si Namjoon, kahit na lagi siyang nakikipag-wrestling sa kanyang kuya ay mahal na mahal siya nito.

"Makaka-alis na rin ako! Impyerno 'tong lugar na 'to! Ang daming masasamang tao!" Nakangiwing sambit niya sa kanyang sarili. Walang ano-ano'y narinig iyon ng kanyang magaling na kuya.

Nababaliw na naman 'to. Sa isip niya.

"Huli ka balbon!" Gulat niya sa kanyang kapatid na seryosong nagmamasid sa mga bahay sa ibaba.

"Ay kabayong natuli!" Aniya habang nakahawak sa kanyang dibdib habang humihinga ng malalim. Nagpa-cross arm ang kanyang Kuya at matalim siyang tinignan mula ulo hanggang paa.

"Seryoso mo 'ata? May iniisip ka 'no?" Pinanliitan niya pa ng mata ang kanyang kapatid. Kumunot ang noo nito at akmang susuntok sa kanya ngunit itinaas ng kanyang Kuya ang kanyang hintuturo at dinuro siya.

"No, no, kung gusto mo pang makapunta ng Sonyeondan ng buo at walang pilay," dumila ito at tumakbo ng mabilis. Tinignan niya ang kanyang Kuya niya na tumatakbo pababa ng hagdan. Napabuntong-hininga ito at pinanlakihan niya pa ang kanyang ilong.

'Yung totoo? Nakasinghot ba si Kuya? Sa isip nito.

Muli, hinarap niya ulit ang mga bahay sa kanyang ibaba at pinanliitan niya ito ng mata. Iniisip niya ang kanyang mga naging karanasan dito sa Ville.

Next week makakapag-aral na ako sa bagong eskuwelahan.

"New school, new life with new friends." Napabuntong- hininga siya sa salitang friends at ang new life. Sa isip niya ay siya na ang pinaka-pangit sa buong milky way sa sobrang ipinagkait ng mundo ang kanyang kasiyahan.

"Tama na ang drama diyan, Abbyngot! Aalis na tayo! Yuhoo!" rinig niyang sigaw ng kanyang magaling na Kuya. Napangiti siya dahil sa sobrang excited niyang makapunta sa Sonyeondan dahil pangalan palang ay sobrang ganda na.

Tumalikod na ito at nagsimula nang bumaba ng hagdan. Nakita niya ang kanyang Kuya na may dalang maleta at bag. Napaligon ang Kuya niya sa kanya at binigyan siya ng matalim na tingin.

"Abbyngot! Ikaw magdala netong bag! Ano ka chicks," pang-aasar ng kanyang Kuya. Sinamaan niya ito ng tingin at padabog na bumaba ng tuluyan sa hagdan. Padabog niyang kinuha ang bag na nakalagay sa likuran ng kanyang Kuya.

"May galit ka 'ata sa'kin eh! Susumbong talaga kita diyan kina Mama at Papa!" Nakangiwing ani Namjoon. Umirap nalang siya sa kanyang Kuya at tuluyan na niyang kinuha ang bag.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Heart Beats Only For You [ONGOING]Where stories live. Discover now