"Alice! Alice! Omg giiiiiirl?!?!" Sigaw ni Cae at Humahangos na pumunta sa akin. Haggard na ang itsura niya na animo hinabol ng sampong kabayo. At halata ang gulat na may halong tuwa ang expression ng mukha nito.
"Oh?!? Ano yun?" Pinanlakihan niya din ito ng mata na tila nagugulat.
"Kasi.. " huminto ito at sumagap ng maraming hangin. "Si Aiden! Si Aiden Chua nandito na sa school!"
"Ahmm" hindi niya alam kung anong sasabihin. Dahil hindi naman niya kilala ang tinutukoy nito.
"Cae, Ahm ano kasi eh.. sino ba yun?"At dahil sa pagtatanong niya kaya nakatanggap siya ng batok mula dito.
"Gaga ka talaga. Si Aiden yung heartthrob sa Wilton University. Lumipat siya dito!" Sabi nito at napatakip siya sa tenga niya ng tumili pa ito. Tsaka lang niya naalala na nasa field pala sila at maraming mga estudyante kaya't tinakpan niya ang bibig ni Cae.
Pagdating talaga sa gwapong lalaki ang galing galing nito. Lagi namang naloloko.
Hinila niya ito sa bench para dun sila magusap.
"Pwede ba kumalma ka nga at nakakahiya sa ibang tao dito ohh." Sabi niya saka tinanggal ang pagkakatakip ng bibig nito.
Tinaasan niya ako ng kilay at tinarayan. Oo, typical na maldita at makapal ang mukha ng kaibigan niya pero mabait naman.
" Eh sa ano bang pake nila? Tsaka Baklaaaaa! Si Aiden Chua yun! Ang gwapo na matalino pa tapos basketball player pa! Omg gusto ko siya ma meet." Kinikilig na sambit nito.
"Alam mo.." kinuha niya ang libro ng tax sa bag niya at binigay dito." Mag review ka nalang kasi may exam pa tayo ahh. Loka loka ka talaga. Hinahanap ka pa ni Sir Sungit kasi yung plan mo di mo binigay."
Pagkabanggit niya sa plan nito ay nanlaki ang mata nito at napanganga na tila may karumal dumal itong naalala.
"Shit! Buti pinaalala mo. Aish ang gaga mo talaga Cae sa lahat ng pwede mo makalimutan ang plan pa." Kinuha nito ang libro at saka nilagay sa bag nito. At nagmamadaling mag ayos ng sarili. "Patay talaga ako nito kay Sir sungit. Sige na Alice in the wonderland alis na ako ahh. At magaala finding sir sungit pa ako." Hindi maipinta ang mukha nito ng lumisan.
Halata talaga ang disgusto nito kay Sir Adam a.k.a. Sir sungit. Halata naman may crush sa kanya si sir.
Tumingin siya sa paligid at pinagmasdan ang kabuuang field ng Stanley University na pinapasukan niya. Ang College of Business and Accountancy and College of Engineering Buildings na nasa harap ng field. Mga punong nakapaligid at sa paanan ay mga estudyanteng nagaaral o di kaya naman ay nagpapahinga.
She don't belong in here. But for her mother. She will do anything para matulungan ito.
Nagiisang anak lang siya ng kanyang ina at sabi nito ay namatay daw sa isang aksidente ang kanyang ama nung pinagbubuntis palang siya nito.
Hindi sila mayaman para pagbigyan ang luho niya at ng ina. Kaya't nag take siya ng scholarship at pumapasok bilang part time sa isang cafe malapit sa school nila.
She's already second year college. Konting tiis nalang at makakagraduate na siya. Makakapag trabaho at mabibigay na ang pangangailangan ng kanyang Ina.
Kinuha niya ang libro ng Alice in the wonderland sa kanyang bag.
It's her mom's favorite fairytale story. Kaya siguro alice ang ipinangalang sa kanya.
This fairytale suits her. Unlike the others that the only purpose of their existence is to find their prince charming.
Kung tatanungin siya kung gusto niyang bang maranasang maging prinsesa at magkaroon ng prince charming. She'll probably say 'No'.
Prince charming don't exist in this world neither Knight in shining armour.Nahinto ang malalim niyang pagiisip ng mag ring ang bell.
Masyado atang napahaba ang pagiisip niya kaya nakaligtaan niya ang oras. Bawal siya ma late kundi kakanta siya bilang parusa.Pinasok niya ang mga libro sa kanyang bag at nagmamadaling tumakbo papunta sa CBA Building.
---
"OKAY class, dismissed" sabi ng prof namin saka umalis ng room. Niligpit niya ang gamit niya.
And to make sure that her things are already on her bag. Chineck niya.
Ngunit may isang librong nawawala.
Shit. Sa lahat ng pwedeng mawala yung libro pa ng Nanay niya.
Nagmadali siyang lumabas at pumunta sa lockers nila sa ground floor. Baka nailagay niya dito bago siya pumasok sa klase.
Kahit anong halungkat niya hindi nita makita iyon. Kinakabahan na siya. Baka magalita ng kanyang Ina pag nalaman nito na nawawala ang libro.
"Alice?" Hindi niya napansin na nandoon na pala si Cae. "Anong hinahanap mo?"
"Ano.. kasi Cae yung librong Alice in the wonderland ko nawawala." Iniangat niya ang mga libro at t-shirt na nasa loob ng locker niya.
"Baka naman naiwan mo sabahay niyo." Sabi nito habang naglalagay ng gamit sa locker nito.
"Hindi eh. Binasa ko pa yon nung nasa bench ako kanina- omg sa Bench!"
Nagtatakang napatingin sa kanya si Cae pero sinundan din siya papunta sa bench.
Nang makarating sila doon ay wala siyang nakitang libro. Kahit saan sa paligid ay hindi niya ito makita.
"Alice. Hayaan mo nalang kaya yon."
"Hindi pwede. It's something special that she kept it and entrusted it to me." Kinakabahan at natatatanta na siya. "Paano kung may makakuhang iba? At basta nalang itapon. O kaya naman pano ung napadaan yung janitor dito sa bench at tinapon yon."
" Hey! Alice stop! Relax okay. Stress ka na sa class natin kanina. Relax ka muna." Pinaupo siya nito sa bench at saka pinakalma. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pilit na kinakalma ang sarili. She's over thinking. And she need to stop it.
"Wait here okay? I'll go get you some water." Tumango nalang siya ng hindi tinitignan ito.
Minutes have been passed when she heard an unfamiliar baritone voice.
"Is this what you're looking for?"
She looked up at sinalubong ang tingin ng kung sino man. Pinigilan niyang di mapa nganga sa angking kakisigan ng kung sino mang nasa harapan niya.
His face shouts perfection.
Nawala ang paghanga niya sa itsura nito ng makita niya ang hawak nito.
"Oh my god!" Napatayo siya at kinuha ang hawak nitong libro. "Thank you so much." Mangiyak ngiyak niyang sabi rito ng masigurong yun nga ang libro ng kanyang ina.
"Wala yun." He smiled sheepishly at tila nahihiyang napahawak sa batok nito. "Ahm I don't know what so special about that book since it's a fairy tale story for kids. But I hope next time ingatan mo na. It seems special to you."
"Yeah it is. Thank you so much..." she looked at him as if asking his name.
"Aiden. My name is Aiden" he said looking straight into her eyes.
"Thank you Aiden. I am really grateful." She said keeping herself from looking at him.. again.
Masyado itong gwapo. Hindi ito mabuti para sa kanya.
"Ahm I have to go. Thanks again aiden." Nagmamadali siyang naglakad at ng tawagin siya nito ay di na niya ito nilingon.
She have to keep herself from anything bad. Especially when there's a guy involve.
~~~
A/N
Ito lang ang aking nakayanan hahaHaahahahahahaha. Yan nalang muna for now.Ciao
BINABASA MO ANG
Alice Blue's Sweet Seduction
RomanceNever ever fall for a Stuckinjer. It's either you'll taste Heaven or.. Hell. ---- Love can change everything. And Pain does. Alice was happy and contented with her simple life. Until a guy came. But No. It's not a guy at all. He's a monster. He too...