2. Meet each other
JANE POV
After 4 days monday na agad.. Excited na ko lumabas ksama yung mga magiging kaklase ko. Sana may mga kaclose ako dun sa mga yun.
Kumain muna ko sa baba, tapos umakyat ako ulit para maligo 15mins lang naman ako maligo kaya mabilis lang.. tapos nagbihis na ko kaagad... Tadaaaa! tapos na ko. HAHAHHA. Ang bilis ko lang kumilos.
Pagbaba ko nakita ko si Kuya na nilalaro yung psp nya.. Nilapitan ko nga.
"Kuya, hatid mo na ko." nginitian ko sya ng napakalapad kasi naman natutuwa ako na makakalabas na ko tas may pera pa ako.
"Hatid? saan? sa Remedial mo!?" hala.. bakit parang galit tong baboy na to.
Hehehe. Hindi sa mataba si kuya pero mataba kasi talaga sya dati.
"Oo doon, diba nga magreremedial ako.. hatid mo na ko dali." hinihila ko na sya para tumayo na sya sa sofa pero ayaw nya. hmp. Alam ko na to eh..
"Oy ano ba?! malelate na ko oh...." naiinis na ko dito kaaga aga sinisira mood ko. Alam ko naman na galit sya dahil magreremedial ako pero pano ko papasok? Ayoko kaya magtricycle noh. -.-
"Magisa kang pumunta dun. Hatid mo sarili mo. Ikaw may gusto magremedial tas papahatid ka sakin? Bahala ka." tumayo sya tapos umakyat papunta ng kwarto nya.. kasi naman e ayoko magtricyle.. tapos ang boring pa dito ano gsto nyang gwin ko? Bahala nga siya. Tatricycle na talaga ako.. huhu! T_T
Nagpaalam nalang ako kay mama tapos kumuha na ko ng pera ko para makaalis na. MagtaTricycle na nga lang ako. Ang hirap hirap kaya magtricycle dito. :'(
Pagkalabas ko may nakita akong tricycle kaya lang may sakay na tatlong tao. Hindi naman ako pwde makisabay dun kaya naghintay pa ako ulit.
After 5 mins may dumaan nnman, isa lang yung sakay sa tricycle kaya pinahinto ko..
Huminto naman yung tricycle kakausapin ko sana si manong na sasabay ako kaso biglang nagsalita yung sakay niya.
"Miss, hindi mo ba ako nakikita? May nakasakay na oh." tinignan ko yung nakasakay, napatulala ako ang cute nya... pero teka, ang sungit neto ah.. di epek skin kacutan nya kung masungit sya. Psh.
"Sasaba--" hindi na ko pinatapos nung masungit na lalaking yun sa pagsasalita.
"Manong tara na, malelate na ko" tapos biglang umalis sila, narinig ko naman si manong na bglang nagsalita.. "Sorry miss"
Nakakainis talaga yung lalaking yun. Psh. Pasalamat siya cute sya. Kung hindi... Nakuuuuu!!!
Kakalbuhin ko talaga sya..
Bago pa ako tuluyan sumabog sa inis dun sa labas ng bahay namin may dumaan ng tricycle kaya sumakay na ko.....
- - -
School..
Pagkapasok ko may mga nakita na kong mga studyante.. mga naglalaro, nakatambay, nagsasayaw, nagtatakbuhan..
Hindi pa kaya nagsisimula yung remedial class? hm... Pasok na nga ako para malaman ko na kng sino mga kaklase ko.
Pagpasok ko may binigay na papel skin si Sir Eljhon, dun nakalagay yung mga rooms tas nakacheck dun kung anong room ako. Pagpunta ko sa room wala pa masyadong tao, di pa pala ako late kaya umupo muna ako sa upuan sa pinakadulo tas nagsoundtrip nalang muna ako.
After 10mins dumating na yung teacher namin sumunod na rin yung mga magiging kaklase ko.
Nakita ko dun si Aileen, Gino, Rachel, Roxanne, Ken atbp. mga hndi ko kaclose yung iba pero pwde na rin friendly naman ako. ^_^
![](https://img.wattpad.com/cover/11017070-288-k185607.jpg)
BINABASA MO ANG
Remedial Class ♥
JugendliteraturAnong mangyayari sa lovelife mo kung ang Babaeng maingay. makulit. mapangasar. moody. maarte. mahiyain. Magkakagusto sa Lalaking cool. cold. tahimik. mapangasar ? Basahin ng inyong malaman... ;)