Nagsimula ito sa isang paaralan.Obvious man na ito ay estoryang fling, crush, at iba pang first loves ng pagkaestudyante ng isang tao.
Napakasarap balikan ng mga panahong iyon, dumaan lang si crush sa gilid mo, natutuwa ka na kaagad kahit wala naman kayong pag-asa. Kinikilig ka sa tabi ng mga girl friends mo na pinagtatawanan ka pa.Highschool ika-nga, the best years daw ng isang tao.
Pero hindi ito isang highschool love story.
Sabi ng isa niyang matalik na kaibigan, sa college daw makikita ng isang tao ang kanyang true love. Para sa isang bookworm na katulad ni Sam, hindi muna siya naniniwala sa mga true love na iyan at focus muna sa pag-aaral. Thinker kumbaga dahil logical siyang magisip at napaka objective.
Ang mundo ni Sam ay puro basa ng iba't ibang libro, kuha ng iba't ibang knowledge na magagamit niya sa kanyang future. Ika-nga noong highschool, Mysterious girl ang tawag ng mga kaklase niya dahil tahimik at puro facts lang ang lumalabas sa kanyang bibig. Maganda yong grades niya at napatunayan naman niya ito nang pumasa siya sa isang state-funded nga unibersidad.
Siya yung typical weird at nerd na babae na mismo mga lalaki hindi niya ma gets kung dumidiskarte na sila sa kanya. Oo, parte ng tribo NBSB si Sam.
Minsan nga napaisip si Sam kung bakit siya walang boyfriend. Dumaan din siya sa katotohonan na hindi niya talaga magets ang mga lalaki, at oo, parang matatakot ang mga lalaki sa kanya dahil COLD at focused ang tingin ng kanyang mga mata.
Pero bakit ganoon?. Napaisip niya. Hindi siya komfortable ng mga ginagawa ng mga kapwa niyang babae na magpapacute sa harap ng lalaki.
May nagtapat nga sa kanya eh, noong highschool. Sabi naman ng lalaki eh, takot lang talaga siyang mag-approach ni Sam dahil sobrang seryoso at laging busy magbasa at magsulat. Inaamin naman ng guy na torpe siya noon sa pagtingin niya kay Sam pero masaya naman ang guy na makikita si Sam na nakangiti minsan dahil madalas lang daw siyang nakangiti.
"Nakangiti naman ako palagi ah.", depensa ni Sam. Siguro laging nag-iisip si Sam basta mayroong pasok o gagawin ni kahit mga kaklase niya nasanay na sa kanyang pagiging matahimik at mahilig na mapag-isa.
College nga daw makikita ang true love pero nah, hindi ko alam iyon" , sabi ni Sam. Tahimik siyang pumasok sa klase niya, kasama ung mga blockmates niya na ubod ng ingay at tuwa.
Nasanay na rin si Sam sa kasiyahan ng mga blockmates niya at wala rin siyang pakialam din. Juma-jam naman siya minsan pero nandiyan pa rin ang kanyang pagka-tahimig at malamig.
Hanggang dumaan ang isang napakakulit na lalaki niya classmate na si Anthony. Napatingin si Sam sa kanya, napakadaldal at napakabata kung kumilos para nga sa isang cartoon series. Laging nagpapatawa at nakikipagusap sa mga babae niyang kaklase.
Masisi ba naman ni Sam si Anthony na marami talaga siyang babae nga kaklase eh tatlo lang ang lalagi sa kanilang block (hindi naman natin alam na closet-ed ang dalawa but sige nalang). Pero weird ng lalaking ito.
Weird dahil may isang oras na nakikipagusap lang si Anthony kay Sam at binigyan na ng malisya ng kanyang mga blockmates. Weird dahil pagkatapos no'on, tameme na si Anthony sa kanya at umiiwas.
Hindi pa rin magets ni Sam kung bakit ganoon yung mokong na iyon. Nakikipagusap nga lang si Sam ng matino, eh napatahimik si Anthony. Sinabi na rin nga ni Anthony ng harapan na nahihiya siya kang Sam.
"Hiya lang talaga iyon, wag mo nang bigyan ng meaning", sabi ni Sam sa kanyang sarili.
Siguro na-intimidate lang siya sa akin.
Pero bakit ganoon? ang kanyang mga kinikilos?
Lagi niya tong matanong minsan sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
Logic vs.Love
Short Storystorya ng isang thinker na dehins pagdating sa usaping pag-ibig hanggang nakilala niya ang isang mokong na kaibigan