Yung mokong talagang iyon...Napaka-annoying.
Annoying in the sense na maganda, cute, at nakakaenjoy.
Hindi na maiitindihan ni Sam ang kanyang sarili, ni mismo nga logical thoughts nya hindi na effective.
Tanga talaga, ganyan lang talaga yung attitude ni Anthony, wag mo nang lagyan ng mga meaning.
--------------------------------------------------------------
Last Game na ng VOLLEYBALL class nila, last day, pang finals:
Yehey! Tapos na ang klase namin sa volleyball, last PE ko na to, sabi ni Sam.
Nagpraktis na ang mga classmates nila, tangina ang galing ng kabilang section.
Wala pa si Anthony, na naging star player sa kanilang section.
Napra-praning na yung mga classmates ni Sam hanggang nakiusap ang kanyang isang kaklase na si John, na i-text ni Sam kung nasaan na si Anthony.
Nakuha pa ngang magbiro ni John sa mukha ni Sam dahil nakikicontact daw kung asan si Anthony.
Hay naku, walang paki naman tong si Sam, tinext nya.
Naligaw pa la ung lalaking iyon. HAHA. Natatawa nalang si Sam.
Hanggang sa dumating siya, late pa, the usual na oras ng lalaking iyon.
___________________________
Start na ng game: Concentrate talaga ang mga players, lalo na si Anthony na tutok talaga sa bola.
Magaling ang kabilang section, habang si Sam at iba ay naghihintay lang kung kailan sila papasok.
Cheer ng mga babae niyang kaklase ni Anthony, para pampalakas daw ng loob. Eh etong si Sam, parang wala lang pero inside, Sana mapansin niya na nag-cheer din ito sa kanya.
Natanong din naman ni Sam sa sarili, bakit hindi ako katulad nila?.Yung nagpapacute lang at nakakapagcheer na. Hay naku.
Kada spike serve ni Anthony, hiyawan kaagad. Nakikisabay din naman si Sam.
Hanggang sa tinawag na si Sam para makapaglaro.
Nagkatabi sila ng pwesto sa game.
Alam niyo, nasiyahan din naman si Sam. Kahit na laro lang at magkatabi lang sila, okay na.
Nakakatawa rin dahil nanunukso ung mga kaklase nila
SPARKS DAW...SPARKS...
Mukha ni Sam, nagiba, mukhang na-annoy na talaga.
Tagos ung ngiti ni Anthony, parang nahihiya nga.
Anong ibig sabihin non?, nasaisip ni Sam.
Pero game na. Nakakatawa silang dalawa, dahil parang partners in crime na magkatabi.
__________
Natapos na ung session, Natalo ung section nila Sam. Sayang pa naman pero okay lang, nakapasa naman. YEHEY! FREE LUNCH AT BUFFET NA AGAD, JAPANESE CUISINE PA!
Natatawa nalang ung mga kaklase nila. Napansin ni Sam si Anthony, napakatahimik.
Anong nangyari sa kanya?, napaisip siya.
Kainan na. Hindi talaga masikmura ni Sam ang japanese food, pero kahit na free naman.
Panay tingin naman si Sam kay Anthony, na laging dumadaan sa kanyang table kung saan kumakain si Sam ng mag-isa,
"Laki pala ng kain ng lalaking ito, Hilig niya talaga ung Japanese food,"obserbasyon niya.
Natatawa nalang nga si Sam.
May napapala din pala ang araw na iyon.

BINABASA MO ANG
Logic vs.Love
Short Storystorya ng isang thinker na dehins pagdating sa usaping pag-ibig hanggang nakilala niya ang isang mokong na kaibigan