Chapter 1

0 0 0
                                    

Xia’s POV

I’ll introduce myself first. I am Xiantal Laveigne Benner but people call me Xia, Cee, or Xiantal itself. Pagpasensyahan na ang aking magandang pangalan, mahilig kasi sa fiction stories ang maybigay niyan. I am 23 years of existence, a freelance model and a businesswoman. I am half-British pero dito na ako nagkamalay sa Pilipinas.

The morning is quite exquisite. I really love this view. The color of the sea seems to attract my eyes every morning I woke up. This is life. The life I’ve been longing for. A peaceful life.

Nakatanaw lang ako sa malawak na karagatan. Pinikit ko ang aking mga mata at nilanghap ang hangin, ang amoy ng dagat. I opened my eyes and smiled. Hinawakan ko ang tiyan ko. Am I pregnant? I wish I’m still. I missed to be a pregnant woman. I missed my angel. Yes, I was once a woman carrying an angel in my womb. I looked at the beautiful sky.

“How are you my dear Samiel? Mommy missed you so much.” Napapikit ako nang may tumakas na luha sa kanan kong mata. Masakit pa rin talaga. Apat na taon na mula nang mawala ang anak ko. She’s my angel na kahit kailan ay hindi ko pinagsisihan. Ang anghel na hindi tanggap ng lahat ng taong nakapaligid sa akin. I smiled bitterly.

“Don’t worry my angel, mommy’s doing good. See? I’m happy now. Bantayan mo si mommy ha. I love you Samiel.”

Napatingin ako muli sa malawak na karagatan. Dito ko isinaboy ang abo ng anak ko. Sa lugar na ito ipinangako kong ibabaon sa limot ang masalimuot kong nakaraan. Sa lugar na ito kasama ko ang anak ko.

I heard knocks outside my door.

“Hija? Gising ka na ba?” That’s nanay Merced, the caretaker of my rest house. Sa kanya ko ipinagkatiwala ang buong lugar na ito nang pumunta ako ng Europe.  Pinagbuksan ko siya ng pinto. I smiled as I see her, para ko na rin siyang nanay. Siya ang nag-alaga sa akin noong mga panahong inayawan ako ng lahat.

“Hi nanay!” Masaya kong bati sa kanya saka siya niyakap.
“Aba’y naglalambing ka na namang bata ka. Halika na, handa na ang agahan.”

“I missed you nanay.” Bulong ko sa kanya. It’s good to be back in her arms again. Sa kanya lang kasi ako umiiyak noon. Lagi niya akong niyayakap tuwing malungkot ako. Namiss ko talaga ito.

“Namiss din kita Xiantal.”

Matanda na si nanay Merced. She’s in early 60’s but still she stayed by my side. Wala siyang anak pero siya ang nagpaaral sa mga pamangkin niya noon. Nanilbihan siya sa amin mula bata pa lang ako pero umalis din siya noong nasa third year college na ako. Kaya sa kanya ako tumakbo nang walang-wala ako sa sarili four years ago.

“Tara ‘nay. I’m hungry na.” Pacute ko pang sabi sa kanya. Ginulo naman niya ang buhok ko na parang bata kaya napanguso ako. I smiled at her and clasp my hands in her arms and we both went to the dining area.

Nakita ko lahat ng niluto niya. Lahat ay mga paborito ko. Alam talaga ni ‘nay Merced kung anong gusto ko unlike HER, unlike THEM. Wala naman silang pakialam. Mapait akong napangiti.

“Iniisip mo na naman ba sila Xiantal?”

Nagbalik-diwa lang ako nang magsalita si ‘nay Merced. Umiling lang ako sa kanya at ngumiti. Hindi ko na dapat sila isipin. They are just memories already from the past and they will never have a part of my future.

Umupo kami at tahimik na kumakain. May dapat pala akong sabihin sa kanya.

“’Nay?”

Tumingin siya sa akin na parang sinasabing ipagpatuloy ko ang sasabihin ko.

“Uhm. I’m going back to Manila and I want you to come with me.”

Cross finger pa ako habang sinasabi yun. Sana nga sumama siya. Ayoko siyang iwan dito baka may kung anong mangyari sa kanya mahirap na. O baka naman hindi mo kayanin kapag nasa Manila ka na kasi may tsansang makita mo SILA? Biglang sabi ng isip ko. Napailing lang ako. Of course not. I want her to come with me, that’s all.

Once FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon