Invisible Red Thread

122 2 1
                                    

Prologue

According sa Chinese proverb, meron daw red na sinulid na nakatali sa finger nung dalawang taong nakadestine para sa isa't-isa.

Hindi daw nakikita ng normal na mata yung sinulid.

Minsan naiistretch,

minsan nagkakandabuhol-buhol,

pero kahit gaano pa daw kalayo yung dalawang tao nayun,

never daw mapuputol yung invisible red thread na nagcoconnect sakanilang dalawa.

-

"Tch. Maniwala ako dyan. Meant to be." Nagpout lang si Lish tapos naginternet nalang ule. Pano ba naman kasi 'tong si Lish nagpapaniwala sa mga destiny nayan, palibhasa 3 years na sila ni Mark.

si Elisha at si Mark, ang natatangi kong mga best friend since forever. Umpisa ata nung iniri kami ng mga nanay namin magbebestfriend na kami. At sa kasamaang palad, naging sila nung 2nd year HS kami. 

Joke lang. 

Este, joke na kasamaang palad. Ang gulo ko.

Basta.

Yang dalawang yan lagi akong inoOP. Pano NBSB ako. Mage-18 na daw ako sa May pero wala parin daw akong boypren. Epal.

Oo nga pala. Ako si Jane Julianne Jimenez. 17 years old at magfifirst year college sa June. Hindi ako naniniwala sa destiny o sa kung anomang kaekekan na tungkol sa relationships. Bitter eh. Best friends ko sila Elisha at Mark since nung nursery palang kami. Magbabarkada kasi mga magulang namin nung kapanahunan pa nila. 

At dahil magjowa silang dalawa, halos araw-araw nila akong ginugulo na maghanap daw ako ng ka-"destiny" ko. At ang lagi kong sagot sakanila ay, "Destiny. Dat di inuuna yan. Pag-aaral muna." Tapos pagtatawanan lang nila akong dalawa.

Ganun ako nung bakasyon. 

Pero nagbago lahat yun nang sinabi ni Miss noong third week ng klase,

"Class. Meet your new classmate. Kaka-enroll lang nya last saturday. Mr. Johnson, you may now enter the room."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Invisible Red ThreadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon