chapter 8 Unexpected

2 2 0
                                    

Janella's POV

Nakita kong problemado si Mama sa pagba-budget ng pera .Paano ba naman kasi tinanggal siya ng boss niya sa trabaho nang bastedin niya to.Matagal na kasi yung nagpaparamdam ay di niya talaga gusto pinakikisamahan niya lang dahil Boss niya iyon.

Bayaran na ng tuition namin.Ayokong dagdagan ang problema ni Mama.Kaya manghihiram nalang muna ako kay Calvin o kay Mar ng pera.

Mage-exam narin pala kami kaya kailangan ko talagang magbayad.

Uunahin ko na muna ang pagre-review tsaka na yung paghiram ng pera may naipon naman akong 2k galing sa allowance ko eh.

Lalaine's POV

Nasa kwarto lang ako nagrereview sa nalalapit na First Quarter exam.

May kumatok sa pinto ng kwarto ko.Istorbo naman.

"Come in!"

"Miss Lalaine dumating na daw po ang tutor niyo sabi ni Madam bumaba na kayo."

Tumingin ako sa wall clock. 12pm na pala di ko namalayan .lunch na pala.

"Okay okay magaayos lang ako.umalis kana!"sabi ko at tumayo na.

Inayos ko lang ang suot kong skirt na nalukot at sleeveless na damit.

Bumaba nako at pumunta ng dining area.

"Hi Mommy!"Kiniss ko siya sa cheek

"Darling!maupo kana.I'm sure magugustuhan mo ang ipakikilala ko sayo. Nasabi ko naba last time na kasing edad mo lang siya at gwapo pa.anak ng kasosyo ko sa new bussiness natin!"

"Yah!"naupo nako at kumain.

"Eto na pala siya."excited na sabi ni Mommy nasa likod ko yata yung tinutukoy niya

"Hello Mrs.Vasco!"bati nito at umupo sa kasunod na upuan sa gilid ko.Busy ako sa pagkain di ko pa siya nililingon
Kumuha ako ng tubig.

"Darling meets Inigo Belmonte."muntikan ko ng maibuga yung tubig nainiinom ko.

Narinig ko mahina at nagpipigil niyang tawa.

"Ikaw?"

"Yun naman pala you know each other already.I think magkakasundo kayo!"ngumisi si Mom

Tumango siya."Hi Lalaine."naglahad siya ng kamay.tinanggap ko naman baka isipin ni Mom wala kong respeto

"Hi Inigo."best friend ni Jonathan. Matagal ko na siyang kilala since Grade 8 pero di kami close.Napapansin ko na siya noon medyo makulit siya sa pagkakaalam ko.

"O tsa kumain kana Inigo baka magutom ka!"

"Ok po."

"So,how many years ka ng nagtuturo ng piano lesson?"tumaas ang isa kong kilay..muka naman kasing di siya magaling

"Actually..it's my first time but dont worry..Marami nakong alam sa pagtugtog since 7 years old nagaral nako magpiano then natutog nadin ako sa mga resto bar."sumubo siya ng chicken

"Awesome!"pumalakpak naman si mommy.

"Anong awesome dun di pa nga natin alam kung magaling ba talaga siya."

"Do you wanna know .try me!"hamon niya at humalikipkip at sumandal sa kanyang upuan at ngumisi.

Matapos kumain ay agad kong sinabihan si Mom na ngayon na kami magsisimula ng lesson dun kami sa may leisure room

"Lika.Pasok!"sabi ko sakanya

Pumwesto agad ako sa harap ng piano ko,Oh diba ang effort ni Mom binilhan talaga ko ng piano para lang sa play.Wala naman kasi talaga akong hilig dito eh!

My Girlfriends and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon