⭐Chapter 9⭐

2.4K 55 4
                                    

The Cold Mafia Boss is My Husband

Chapter 9

Hot Debt Collector

Luxxanes POV

Minulat ko ang mata ko at pinagmasdan ang aking paligid. Kulay asul na dingding at puting kisame.

Nagtataka man ay nanahimik nalamang ako. Lumingon ako sa aking gilid at nakita ang isang tubong puti na nakakabit sa mask na nakatakip sa aking bibig. "Oxygen"

"Ah, gising ka na ba iha?" Tinig ng taong nakaputi na may nakasabit na isang stetoscope sa kanyang leeg. Doktor? Imbis na umimik ay tumanggo nalang ako at akmang uupo ng pigilan niya ako.

"Wag ka munang gagalaw Miss sariwa pa ang sugat mo"

Tinignan ko sya ng pagtataka. Ngumiti naman sya at itinuro ang nakabendang sugat. Natinigan niya ang pagtataka ko kaya't ngumiti siya na parang naginhawaan? Guni guni ko lang siguro. Hindi ko maalala ang nangyari kaya hinintay ko nalang na sabihin niya. Sabi niya ay nagmula ito sa isang aksidente. Nais ko mang itanong kung anong klaseng aksidente ay di ko na ginawa.

Sinubukan kong alalahanin ang nangyari pero ni isang imahe sa utak ko ay wala akong maalala.

"Miss, kumain daw po muna kayo upang magkaroon ng lakas"

"Ah? Ah sige" wala sa sariling sagot ko.

Binuhos ko sa pagkain ang atensyon ko at tila isang leon kung kumain. Isinawalang bahala ko narin ang pangyayari sa paligid ko.

Nang matapos akong LUMAMON ay inangat ko ang tingin ko only to find two person naah its supposed to be  two gorgeous male bitch standing. Darn anong klaseng panaginip ba to at punong puno ng mga gwapong lalake.

They were grinning from ear to ear. Talking to each other ghad mga chismoso and because of that thought a chuckle escaped my mouth. Too reckless Xyrenne

They immediately scanned their eyes on me. Oh sweet Jesus this is embarassing.

*Time skip*

Nadischarge na ako mula sa hospital and i am here in my apartment. Tumakas ako mula dun sa mga Mib hayst i just needed a break. Babalik din ako. Di ko nga lang alam paano.

Hindi talaga mawala sa utak ko yung lalaking nasa panaginip ko. That knight in shinning armored guy.

Iniwaksi ko nalang sa utak ko at pinagtuonan ng pansin ang paglilinis ng bahay. Maya maya ay balak kong maglaba.

Kinuskos ko ng mabuti ang sahig habang sumasabay sa kantang nakafull blast sa speaker.

Natapos ko na ang paglilinis sa sahig, bintana, kusina, banyo, sala, kwarto at kahit sa labas, pader at ceiling.

Sinulyapan ko ang orasan. 1:33 pm. Nalipasan na pala ako ng kain. Yaan na lulubusin ko na tatamarin lang ako kung titigil ako at magpapahinga.

Kinuha ko ang nagamit na mga punda, bedsheet, kurtina, Table cloth, sapin sa paa at mga lalabhan ko at pinaghiwalay ang pambahay, panglakad at inisa ang lahat ng puti at de color. Hiniwalay ko rin ang mga bra, medyas at panty ko at binabaran ang dapat babaran.

Pasado alas tres na nung isasampay ko nalang ang mga damit ko ng makarinig ako katok mula sa pinto. Lakas ng pandinig ko ano? Lumapit muna ako sa amplifier at hininaan habang pinupunas ang kamay sa saya ko para matanggal ang ilang bula bago pinihit ang siradura ng pinto.

Nakita ko si Ate Tantan kapitbahay ko. Pumupunta sya rito minsan para magpaturo ng pagbebake. Mayruon kasi siyang balak magnegosyo patungkol sa mga pastries at pati narin ulam.

The Cold Mafia Boss Is My Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon