Kabanata I

18 0 0
                                    


Tik. Tok. Tik .Tok

Tinignan ko ang wrist watch ko at napakunot ang noo.

Haynako!

Tik. Tok. Tik. Tok

Nakakainis naman yon. Hayssss, tutubuan nako ng ugat dito.
Napatitig ako sa pintuan.
Bat ba wala pang lumalabas na Crissa Jane Cruz?! Ang tagal ah kanina pa. Iiwan ko na talaga tong babaeng to!

Napatingin ako sa orasan ko at ohmygolay!

TwelbTerti naaaaaaaa!!!

"Jenananana!" biglang may yumakap sakin.

"Anoba! Ang lagkit lagkit mo ate bumitaw ka nga!" pagpupumiglas ko sa yakap nya. Tumawa naman ang gaga.

"Mag bestfriends naman tayo diba? Magdamayan tayo sa pawis ko! Haynako. Nakakainis talaga yung teacher natin nayan! Isang bwan nalang naman e gagraduate na tayo ang dami dami pang pinapagawa! Kaasar. Buti nalang succes ang niluto ko kanina! Wahahahaha"

"Ewan ko sayo! Bat ang tagal tagal mo naman? Anong oras---" napatigil ako at naalala ko na uwian na nga pala nila ngayon!

"Crissa, tara na! Kailangan ko syang maabutan!"

Bakas sa mukha nya ang pagtataka "Ha? Sino?" di ko na sya sinagot at basta nalang hinila ang kamay nya.

Tumakbo ako ng mabilis habang tangay tangay ko sya.
Kailangan maabutan ko sya.. Kailangan maabutan ko sya...

Waaaaaaaaaaah!

"Hoy! Pagod nanga ko kakaluto kanina patatakbuhin mo pako?! King inang yan!" reklamo ni Crissa pero di ko sya pinansin.

Kailangan maabutan ko syaaaaaaa!

Eto na eto na....

Tumigil kami sa tapat ng buildng ng 2nd yr. Naglabasan na ang ibang estudyante at mejo siksikan narin.

"Walanjo Jenna. Wag mong sabihing may kapatid ka dito?" di ko pinansin si Crissa at dumungaw sa 2nd floor corridor.

Nag uuwian na nga yung section nila. Di ko naman sya makikita kung nandito lang ako.
Ano aakyat ako?

Sigurado? aakyat ako?

Nakaramdam ako bigla ng hiya. Ehhh, pano pag nakita nya ko?

Bakit kilala kaba Jenna?

Hindi. Pero pano pag namukhaan nya ko?

Sus. Imposible, buti sana kung kagandahan ka?

Anak ng---!

Napailing nalang ako sa mga iniisip ko. Aakyat na nga lang ako!

"Tara" hinila ko si Crissa at umakyat papuntang 2nd floor.

"Jenna, sino ba talaga pinupuntahan natin dito?" napakamot pa sya ng ulo.
"E kung sinasagot mo kasi yung mga tanong ko e no?" ang daldal talaga ng isang to.

"Shattap" sabi ko at hinanap ang mukha 'NIYA' sa mga nadadaanan kong estudyante.

Pumunta ako sa tapat ng klasrum nila at inisa-isa ang mga estudyante don. Habang paunti ng paunti ang tinitignan kong estudyante unti unti ding sumisimangot ang mukha ko.

Hanggang sa last na lalake ang kinalabit ko at woah! Nagolat ako sa tsura nya. Kulang nalang maging kawali sya sa kaoily-han ng mukha nya.
Hayy bata pa kasi e, dipa masyado marunong mag ayos.

"Hai Ati. Me kelangan ka?" nilapit nya pa ang mukha nya at bahagya naman ako ngumiwi at lumayo.

Grabe, nananapak yung hininga!

HSURCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon