| Tulang aking nilikha |

34 6 0
                                    

Oo, hindi pwede.
Hindi oo, pwede.
Pwedeng oo,
Pwedeng hindi.

Mga mensaheng nagdadala
ng kalituhan.
Aking mga katanungan
nangangalap ng kasagutan.

Oo, hindi at pwede na
walang kasiguraduhan.
Oo, hindi pwede na
ngayon ko lang napag-alaman.
Oo, minahal ko ang isang
taong tulad mo.
Na nagdulot ng labis na
kasiyahan sa puso ko.

Oo, maraming nagsasabi
na bagay raw tayo.
At ako'y natuwa
Ng mahalin mo rin ako.
Oo, humaling na humaling
ako sa iyo dahil sa
hayop na kagwapuhang
tinataglay mo.

Oo, naalala ko pa
mga pagkaing pinagsaluhan
nating dalawa.
Umaga, tanghali, hapon at gabi
di ka nawala sa isip ko sinta.
Oo, tandang tanda ko pa
mga lugar kung saan may mga
matatamis na ala-alang naiwan saating pagsasama

Na bumabalik sa aking
isipan tuwing ito'y
muling madaanan.
Oo, sariwa pa sa akin
mga pangyayari.
Nakatatak saking utak
mga matatamis na iyong sinabi.

Pero hindi, nagkamali ako
Hindi na sana minahal
ang isang tulad mo.
Na dumurog sa bawat parte
ng pagkatao ko.
Hindi tayo bagay hindi
tulad ng nakikita nila.

Sa paningin ng iba'y tayo
ay masaya ngunit ang
katotohana'y pagtingin mo
sa akin ay lumalabo na.
Hindi na dapat ako
umastang hayop sayo.
Na sunud-sunuran sa kung
anumang gustuhin mo.
Hindi na dapat kumain kasama ka, hindi dapat ako nakipagsalo
ng pagmamahal sayo.

Matapos busugin ng pag-ibig
ay ibang panulak ang iniabot mo.
Panulak na literal,
pagtulak mo sakin palayo.
Hindi na dapat lumugar
sa piling mo.

Pagkat hindi ka laging
nandyan sa tabi ko.
Hindi na dapat naganap
mga pangyayaring ito.
Dahil ako itong nayare,
matapos ang paglisan mo.

Kung pwede lang
ilihis ang tingin ng puso ko
sana ay ginawa ko na.
Kung pwede lang
iwaglit mga bagay-bagay
sana ay kinalimutan ko na.
Kung pwede lang
pakawalan itong nararamdaman
hindi ka na sana inalagaan pa.

Kung pwede lang
isuka ang tamis na naging pait
sana ay hindi na naumay pa.
Kung pwede lang
ilayo ang tingin ng mata
sana ay hindi na naligaw pa.
Kung pwede lang
magdiwang kahit sobrang sakit na
sana ay hindi na nagluluksa pa.

Kung pwede lang.
Kung pwede lang sana
hindi kana umoo sana.
Hindi kana sana bumalik
nung ako'y masaya na
sa piling ng iba.
Hindi ko sana binalewala
mga payo at pangaral
ng aking mga kaibigan.

Sana'y natuto akong
mag "pass" nung sinabi mong
mahal mo ulit ako.
Dahil sa lahat ng henyo
ako ang pinakabobo,
pinakatanga pagdating sayo.
Oo. Tanggap ko na.
Kahit masakit pa.
Oo, hindi pwede.

Oo, hindi tayo pwede.

~*~

Oo hindi pwedeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon