Mali

6 0 0
                                    

Mali, yan ang salitang nasa isipan ko ngayon
Maraming bagay ako na mali ang desisyon
Ito yung bagay na sobrang mali din ng panahon
Sapagkat hindi ata ako nakapagpakahinahon

Mali, maling ginusto ko ang tulad mo
Maling inamin ko pa ang nararamdaman sayo
Maling nabatid mo pa na ikaw ay gusto ko
Maling mali ang lahat ng desisyong ito.

Siguro nga sobrang mali na narinig ko ito,
Na tila ba wala ka ng pag-asang magbago
Sa mga narinig ko, aasa pa ba ang tulad ko?
O tanggapin na lang na mali talaga ako.

Ulit-ulitin ko man ito, ngunit maling mali talaga
Kung bakit ba sayo ko pa ito nadama?
Ang gustuhin ka ng pabigla-bigla,
Mukhang hindi na talaga ito nakakatuwa.

Masaktan man ako ng paulit-ulit dahil sayo
Wala akong karapatan para magreklamo
Isa lamang akong hamak na kaibigan mo,
Kaya tingin ko mali na ikaw ay gustuhin ko.

Mali nga siguro talaga ang bagay na ito,
Dahil napaka imposible ng nasa isipan ko.
Ang gustuhin ka'y maling mali nga siguro,
Aaminin ko, hindi ko na alam ang gagawin ko.

#AtengMakata :)

Mali Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon