Her brightest light...

908 45 14
                                    

Part 5

‘Code! Code blue… code blue…’ Pinagmasdan lang ni Erin ang kaguluhan nangyayari sa isang silid. Mayamaya nabato na siyang kakapanood sa mga staff nurses na abalang nirerevive ang isang dalagitang payat at kalbo kaya tahimik siyang naglakad palabas.



Mayamaya narating na ni Erin ang bahay na sadya niya. Palihim siyang pumasok sa loob ng bahay nina Lucian at nagtip toe papunta sa kusina. Doon nakita niya ang binata na tahimik na umiinom ng juice. Mayamaya bigla nalang nabasag ang baso nito. Marahan itong napamura at tahimik na iniligpit ang kalat.
Napangiti si Erin nang may naisip na kapilyahan. She walked slowly towards Lucian na serysosong naglilinis ng kalat. ‘Bulaga!’



Lucian literally jumped off his feet sa gulat niya. Nasagi nito ang dalawa pang baso nasa mesa at nabasag ang mga ito. Asar na nilingon siya nito. ‘Erin naman! ‘Wag ka ngang manggulat.’



She sheepishly looked at him. ‘I’m sorry…’



‘Wala nang magagawa ang sorry mo,’ sabi nito sabay talikod sa dalaga at naghanap ng katulong na liligpit sa mga bubog. Nang wala itong makita nagdadabog na niligpit nito ang kalat. ‘Paano-’ wala na ang dalaga sa kinatatayuan nito.



‘I’m here,’ iwinagayway pa ni Erin ang kanyang kamay para dito. Nakaupo na siya sa isang silya medyo malayo- layo dito. ‘Bilisan mo ang pagliligpit, Light.’



‘Where were you these past weeks?’



Matamis niya itong ngitian. ‘You missed me? Oh… that’s so sweet of you.’



‘Hindi kita na miss,’ tumayo ito para itapon sa basurahan ang mga bubog. ‘Bakit bigla ka nalang nawala, ha? Nagdrop out ka and then left us days before our big presentation na to think grabeng effort ang ginawa mo para lang maipresent natin iyong West Side Story. Ni hindi ka nag- abalang tumawag man lang sa isa sa amin tapos binigla mo lang kami-’



‘Ang gagaling n’yo noong isang araw. Congratulations for a very beautiful performance,’ nakangiting sabi niya dito. ‘Sayang at hindi pa tayo pinasali ni Sister sa contest, tiyak ko ang West Side Story ang mananalo.’



‘Nasa school ka noong culminating ng English Week?’ hindi makapaniwalang tanong nito.



‘Oo. Gusto ko kasing makita ang performance n’yo. Sakto nga pagdating ko kayo na ang performers. And…’ nahihiyang sinulyapan niya ito. ‘Thank you for dedicating your performace to me.’



Mukhang iyon lang ang hinihintay nito para makumbinsi niya si Lucian na nasa school nga siya nang huling araw ng English Week ng mga ito. ‘Bakit hindi ka nagpakita sa akin… I-I mean sa a-amin-’



‘Light, can you do me a favor?’ pabulong na tanong ni Erin sa binata. May tinanaw siya sa kanyang likuran at nagdali- dali ibinaling ang kanyang attensyon kay Lucian. Nakita niyang tumaas lang ang kilay nito sa inaakto n’ya. ‘Please? I promise ito na ang last time na manghaharass ako sa’yo.’ Nakataas pa rin ang kilay nito. ‘And I promise this would be my last time to call you ‘Light’. Please Light? Just this once…’

Erin's LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon