S-story by: Rojie A.
"Anak handa kana ba? " sabi ng ina sa kaniyang anak.
"Oo mama kanina pa. Sa wakas makakalabas narin tayo sa silid na ito." usal ng anak.
"Sige, bantayan mo rito habang gagawa ako ng paraan upang mabuksan ito."
Malapit ng mabuksan ng ina ang silid ng may narinig siyang mga iyakan. Agad siyang bumalik sa kaniyang puwesto na di maipinta ang mukha- umiiyak na natatakot.
"Anak, kailangan na nating tanggapin ang nangyari"
"Ha? Ano?!! P-pe-pero mama! Dalawang linggo na tayo rito!"
"Magiging masaya tayo roon." giit ng ina.
May nakaputing lalaki na nasa edad 50's ang nagbasbas ng puting likido at mas lumakas ang iyakan na kanilang narinig at tila may puting liwanag na kumuha sa kanila at sinugaradong magiging masaya ang mag-ina sa paraisong pupuntahan.
----------------Nagmamadali akong pumunta sa paaralan dala-dala ang iskrip na ginawa ko kagabi. "Pagtakas", bow. At lahat ng aking ka klase ay nag palakpakan.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
DAGLI
Short StoryThis is not your typical story because this short stories are made by the creativity of our minds. Compilation of Filipino DAGLI By: TP 10-AQUILA ANHS