1st day of school

7 0 1
                                    

First day na ng school at naninibago ako sa bago naming room. Bago at malinis kaso medyo maingay kasi katabi ito ng main road. Bago kasi itong building namin.

Nakaupo ako sa gitna ng room ng dumating na ng dumating ang mga dati kong kaklase. May iba din namang mga bagong mga tranferees. Nakikipagkwentuhan naman ako sa iba kong kaklase ng biglang bumukas ang pinto at may pumasok na bagong tranferee. Nakayuko itong pumasok sa room at umupo sa harap. Maya maya ay dumating na din ang teacher namin.

" Good morning class, ako nga pala si Mrs. Irene Trinidad."sabi ni Mrs.Trinidad.

"Good morning ma'am!"sagot naman naming lahat.

" Kung maaari ay magpakilala kayo isa-isa."saad ni Mrs. Trinidad.

Isa-isa na silang nagpakilala hanggang yung babae na huling pumasok na ang magpapakilala.

"Magandang umaga sa inyong lahat, ako si Nicole Tranate. 16 yrs old." Saad nito.

Ang ganda niya! SH*T! Nakasalamin siya tapos kahit wala siyang make-up ay maganda parin siya. Hindi ko alam pero may kuruyente akong naramdaman sa loob ko nung nagpakilala siya sa harapan. Hindi ko alam kung ano yung naramdaman ko nayon. Maya maya ay ako na ang magpapakilala

"Good Morning! Ako nga pala si Romnick De Guzman. 17 yrs old." Saad ko.

Pagkatapos magpakilala ng lahat ay natapos na pala ang 1 oras. Hindi ko man lang namalayan na tapos na ang isang subject. Pagka-alis ng aming teacher ay sinubukan ko kausapin si Nicole

"Hi! Nicole right?"sabi ko sa kanya

Hindi siya sumasagot. ang tanging sagot niya ay isang napakagandang ngiti.
Dumating bigla ang teacher namin. Nag-lecture lang siya at ako, nakatitig lang ako sa kagandahan niya. Natapos ang buong araw ng nakatitig lang ako sa kanya. Sinubukan ko ulit siya kausapin pero wala talaga siyang imik.

"Makauwi na nga lang!" Saad ko habang nakakunot ang noo ko.

Sumakay ako sa kotse ko at nagmaneho pauwe. Habang pauwe ako ay nakasalubong ko si Nicole naglalakad din pauwe

"Nicole, let me drive you home." Saad ko habang nakangiti sa kanya.

"Hindi na. Okay lang. malapit na naman ako sa bahay namin." Saad ni Nicole

"Sakay na. Wala ka nang masasakyan ng ganitong oras."ani ko. Totoo naman kasi. walang dadaan dito ng gantong oras. 6:30 ng gabi na din kase. Meron namang konti pero may sakay.

"Turo mo nalang kung saan ang bahay niyo." Habol ko pa.

"Sige." Matipid niyang sagot.

Tinuro niya yung daan papunta sa kanila at hinatid ko na siya

"Salamat Romnick ah." Saad niya

Nagulat ako na alam niya ang pangalan ko.

"Ahh. Uhmm.  Sige. You're Welcome"ani ko.

Habang papauwi  ako di ko parin makalimutan ang nangyare. She knows my name!



Itutuloy...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 02, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Fell Inlove With The LonerWhere stories live. Discover now