Where's my LOVE!?

72 5 0
                                    

Masaya akong naglalakad. First day of school ngayon at masyado akong napaaga kasi alam niyo ba?! Dahil excited na akong makita ang pinakamamahal ko.

Ako nga pala si Chairy at 15 years young na ako.
Dali-dali akong pumasok sa room namin at hinanap ang pinakamamahal ko. Excited nako! AT aking ikinagimbal ang aking nakita... parang tinutusok-tusok ng milyong karayom ang puso ko. Nasaan na ang mahal ko?

Bakit napalitan?! Akala ko ba forever and always kami?! Ngayon ano 'to?! Bakit hindi makita ng napakaganda kong mata ang mahal ko?! Bigla kong naalala ang mga happy memories namin kaya mas lalo akong nalungkot.

Unti-unting pumatak ang aking precious tears at parang nanlambot ang tuhod ko kaya hinang hina akong napaupo sa sahig...

"UWAAAAAA!!! ANG PINAKAMAMAHAL KO!! AKALA KO BA HINDI MO AKO IIWAN?! UWAAAAHH!!" Sigaw ko habang hinahampas ko ang sahig at pinadyak padyak ko pa ang aking mga paa.

Tulo laway at sipon pa ako habang inaalala ang mga precious moments namin ng mahal ko..

"Miss, may problema ba kayo?" Napatingin ako sa pintuan ng classroom namin para makita ang nagsalita..

Isang lalaki na matanda, mataba, maitim, malaki ang tiyan, panot, puro pawis, makakapal ang labi, panget, at higit sa lahat pwede ka ng kumuha ng libreng oil sa katawan niya.. nakatopless pa siya. Sa tingin ko janitor yan dito sa university.

"Miss?" Sabi niya habang pinupunasan ang pawis niya.

"Ahh.. oo. Hinahanap ko ang mahal ko.."

"Ganun ba? Parang alam ko na ang hina hanap mo, halik a puntahan natin kung nasaan siya"

Biglang lumiwanag ang mukha ko at agad tumakbo papalapit sakanya saka siya yinakap, hindi iniintindi ang pawis niya. Nagulat naman siya sa inasta ko.

"Talaga!? Alam mo kung nasaan ang mahal ko!?" Habang parang kumikislap ang mga mata ko.

Tumawa naman siya, "HAHAHAHA!!  Sa 40 years ko na bang pagtatrabaho dito, imposibleng hindi ko alam kung nasaan"

"Oh eh ano pang ginagawa natin!? Tara na!" Atsaka ko nilingkis ang braso niya. At nagsimula na kaming maglakad..

Habang naglalakad kami ay tinanong ko kung ano ang pangalan niya.. "Ang pangalan ko ay Deskie.."

Wow! Naniniwala na ako sa destiny, may kaugnay pa ang pangalan niya sa pangalan ko..

Nung nakarating naman kami sa lugar ay agad niya itong hinanap..

Habang hinahanap niya ng mahal ko ay tinititigan ko ang kanyang napakapanget na mukha..

"Ito na ba ang hinahanap mong pinakamamahal mong upuan na may design na mga stars at hearts?"

"OH MY GOSH!! MY DESK!!" Lumapit ako kaagad at inakap ang upuan ko last year na ngayon ay dapat upuan ko parin..

Napatingin ako sakanya nung tumawa siya nakita tuloy ang kanyang mga itim na ngipin.

Itong lalakeng ito na nakahanap ng upuan ko, ay ang makakasama ko habang buhay!!

Finding My DeskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon