•Chapter 2•

25 1 0
                                    

Christian

Nice may POV agad ako— pagkauwi ko galing sa pixville, nagpalit ako agad ng susuotin ko. Hoodie Shirt tapos may bonnet pa ako. Umalis ako agad ng bahay. Gusto ko siyang makita.

Fresh pa sa akin ang mga nangyare sa amin—

"Miguel ayoko na" napaka cold niya habang sinasabi ito. Seryoso siyang makipaghiwalay sakin.

"Bi bakit?" Tinitingnan ko sya sa mata but she didn't return a gaze. Niyakap ko siya pero tinulak niya lang ako at nilampasan. Naiwan ako at napaiyak ako.

Sht! Bakit!! Bakit niya nagawa yun! Pinagsusuntok ko nalang ang pader hanggang sa dumudugo na ang mga kamao ko. Hindi ko tanggap!!

Sumasakit ulo ko kapag naaalala ang part na yun. Ang sakit sakit talaga. —nakarating na ako sa kanto nila, may nakita akong lalake pasimpleng nagmamasid sa isang bahay..... Wait, si Memo lang pala. Lalapitan ko na sana kaso umalis na siya, sa kabilang direksyon siya dumaan kaya di niya ako nakita. Alam ko na kung bakit siya nandito..

Ako naman ngayon ang nasa pwesto niya. Nakita na niya yung pinunta niya dito,  magkapatid ang dalawang minahal namin.

Ibig kung nandito na ang kapatid niya... So nandito narin siya, makikita ko siya— gagabihin na ako dito. Hindi ako aalis hanggang hindi ko siya nakikita... Nakafocus lang ako sa bahay nila. Hahahaha stalker ako pero panget naman, secret admirer nalang pwede pa. Si Memo kasi ang Great Stalker—

*poke* aba sino ba to naga poke sakin? Baka bumalik si Memo— *poke ulit* Langya tlga to oh..
*poke* *poke*

Nakakainis na ah. "Pwede ba bro?! Huwag kang epal, alam mo naman ang pinunta ko dito" *poke nanaman* this time, napalingon ako kung sino ba itong epal na to.  Hindi kasi nagsasalita.

"Ano ba—" sht. Siya pala yun. Kaya pala hindi ko siya makita kita sa bahay nila. Napansin ko rin na galing pala siya sa Super Market dahil sa mga pinamili niya. "S-sorry...  Akala k-ko kasi na kaibigan ko"

"Ah okay. Stalker kaba ni siobe? Kanina kapa kasi tingin ng tingin sa bahay namin." Ako stalker? Hahaha secret admirer ako!! Kung alam mo lang na ikaw ang pinunta ko dito.

"Ah h-hind hindi. Napadaan lang ako dito.." Tumalikod na ako sknya akmang aalis na "...Para makita ka"  pabulong kong sabi, saka umalis na.

Hindi ko na siya hinintay pa magsalita.

*~*

Memo's POV


*kinabukasan*

I felt somethings not right sa panahon na to.  Everytime na nag iisa lang ako, may kung ano o sino ang sumusunod sa akin. Nagmamasid sa di kalayuan. I'm trying my best to act cool na parang di ko napapansin kung sino man yun.

Papunta ako ngayon sa Starbucks, hindi ko alam kung kanino galing ang sulat na iyon. Tanging nakasulat lang ay kung saan kami magkikita, oras at dapat ako lang mag isa. Nakakagulat hindi naman ever nangyare sakin ito dati....

Nakarating na ako sa SB. Mukhang napaaga ata ako. 9 am ang nakasulat, 8:45 am pa lamang. So naghintay ako, umorder narin ako ng usual order ko at connect agad sa Wi-Fi. Habang naghihintay, napaisip ako sino kaya ang gustong makipagkita sa akin? Anong kailangan niya?— napailing nalang ako.

"Sorry. Napaghintay ba kita ng matagal?" Sabi ng babae. At umupo sa kabilang silya ng lamesa. Ngayon ko to lang siya nakita.

"Ah hindi naman Miss."

"Okay,  by the way I'm Angel." Tumayo siya sa harap ko habang inaabot ang kamay niya. Nakangiti pa ito.

"Pleased to meet you Angel. I'm Rain." Nakipagkamay ako then umupo na siya ulit. "So anong pag uusapan natin?" Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa.

"Chill for a moment Rain." She sighs then continue. "Kaya kita pinapunta dito dahil alam kong gusto niyong ayusin ang past niyo sa panahong ito, hindi ba?"

Nagulat ako, paano niya nalaman iyon. Ngayon ko lang siya nakita at nakilala. Hindi kaya katulad namin siya? Curious na ako.

"So, kilala mo kami? At paano mo naman nalaman ang bagay na iyon? Anong ginagawa mo dito?"

"Oo kilala ko kayo pero ikaw ang hinahanap ko. Nasa iyo ang huling bahagi ng Jewel stone upang mabuo muli ang Cronosphere." Laking gulat ko dahil sa sinabi niya. Ako ba'y pinagloloko ng babaeng ito? Hindi magandang biro ito.

"Miss, anong pinagsasabi mo. Joke time ba ito? Nasaan ang mga hidden cameras. Wala akong panahon sa mga kalokohan na to." I sigh. "May nagbigay sakin ng Isang Dark stone para bumalik sa panahon na to upang ayusin. Normal lang kami, walang extraordinary nor supernatural na nangyare sa amin o sa akin." Tinitigan ko nalang siya. Eye to eye contact kaming dalawa ngayon. Cute siy— Ano bang pinagsasabi ko. Seryoso naguguluhan na ako.

"Siguro wala pa sa ngayon. Pero binabalaan na kita Rain. May masamang tao naghahanap sa huling bahagi ng Cronosphere. Once makuha niya lahat,  mabubuo na ulit ang cronosphere. Hawak nito ang Time At  space. Kaya niyang gawin ang gusto niya sa pamamagitan ng cronosphere." Hindi talaga kapanipaniwala. Baliw na siguro ang babaeng ito. Maganda pa naman sana.

"Kung alam ko lang na walang kwenta ang pag uusapan natin, sana hindi nalang ako pumunta—" sumakit bigla ang dibdib ko at dumilim ang palibot.

Biglang bumalik sa normal pero nagkakapagtaka. Nandito ako sa bahay. Paano nangyare to.

Ramdam kong totoo ang lahat, iyong pinaguusapan namin ni Angel— Biglang tumunog ang cellphone ko.

0926*******

"Hello?"

"Hi Rain!! Si Angel to. Bigla ka nalang nawala sa harapan ko." Masigla nitong bati sa kabilang linya. Moody na babae

"Huh?"

"Ginusto mo kasing hindi ako makita. Edi bumalik ka sa bahay niyo. Glimpse o time lapse or whatever you call it. Pwede rin teleportation"

"I'm still not convinced. Naguguluhan parin ako Angel. Kahit nga ngayon, paano mo nakuha number ko?"

"HAHAHAHA! seryoso natawa talaga ako sa tanong mo. Sekretong cute. Sige bye bye"

"Hey wait—"

*tooot tooot tooot*

Aba walang hiya binabaan ba naman ako. Nakakastress na araw na to, kung anu ano na lang ang nangyayare. Hindi na ito normal.

Matulog na nga lang muna ako. Baka panaginip lang ang lahat ng nangyare.

Kakausapin ko kaya sila bukas? Siguro hindi na muna. Saka na kung totoo ba talaga ang mga sinasabi ni Angel.

*Author's note*

Wohoow. Since nakapagbalik sila sa past,  syempre hindi maexplain ng science ang mga pangyayare,  hindi naman kasi sila gumamit ng Time machine. Masasabi nating extraordinary tong story.

Sana magustuhan niyo, maraming twist ito. So abangan niyo nalang.

Pasensya short update. Busy eh.

Please vote. :) and leave some comments.

Thank you.

©IAmDarkD (Deemo)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Changing The PastWhere stories live. Discover now