*Major major uber FLASHBACKKK!*
"Oh pre, andito pa kami sa mall e." - kuya
"Sino kasama mo?" -friendship niya
"Kapatid ko. Nagbayad lang ng bills. Sige susunod na lang ako." -kuya ko.
Ako nga pala si Jazz. Half Korean, Half Filipina! Wooh! Christmas vacation iz ♥. Well, I'm here with my ever loving kuya sa mall. Nagpapa-aircon. WOOT! Tinawagan si kuya nung tropa nya. Ano kaya yun?
"Kuya bakit daw?" tanong ko sa kanya
"May laro kami. Bakit? Manonood ka?" sabi niya sa akin.
"Pwede ba?" pag-aalinlangan ko.
"Pwede naman. Tara uwi muna tayo para makapagpalit ako." pag-aya ni kuya.
NANG MAKA-UWI NA KAMI ....
"Ma, sama lang ako kay kuya sa court ha?" paalam ko kay Mother dear.
"Oh sige. Oy Jeff, bantayan mo yang kapatid mo sa mga lalaki dun. Nako!" -sabi ni mama. Nakakatawa itong nanay ko masyado.
AKO?
BABANTAYAN?
SA LALAKI?
"Nako ma, WALANG magkakamali noh." -pagdidiin ko kay Mother. KALOKA itong nanay ko.
"Oh sya sya." -sabi ni Mama.
SA COURT ...
"Shet. Ang ganda niya. Kaya lang anjan si kuya Jeff."
"Oo nga pre. Nako, baka bangasan tayo ng utol niyan."
"Pre, buti naman andito yan. Inspiration lang."
Yan ang sabi ng mga magiging kalaro nila kuya sa basketball.
Pag daan namin sa harap nila ...
"HI JAZZ!" -in chorus nilang sinabi.
"Hi." -sabi ko sa kanila with a cute smile.
"Saan ako uupo?" -tanong ko kay kuya.
"Doon, *turo dun sa upuan na walang tao*" -sabi ni kuya.
Habang nagsa-soundtrip habang hinihintay ang iba nilang kasama maglalaro ...
"Kuya Jeff!" -sabi ng isang lalaki dun at di lang basta lalaki.
Lalaking kinainlovan ko agad ..
Ang tangkad niya, maputi.
SHET. Tinignan niya ako. Bakit kaya?
"Kuya, sister mo?" -tanong niya kay kuya.
"Oo, Troy. Bakit?"- sabi ni kuya.
"Wala lang po. Ngayon ko lang sya nakita dito e"-sabi niya.
DATI? Eh nagkasalubong na kami ng tingin nito dati dito sa may bahay namin nung pinapatawag si kuya ng tropa nya. Hay nako, bahala na.