Erice

Pinapanood ko silang sumayaw sa gitna. Tsk. Dapat ako yan eh.

Nasa event venue kami at kasalukuyang nagsasayaw ang groom at bride.

"Wag mo na tingnan masasaktan ka lang."

Napatingin ako sa nagsalita. Isang lalaking naka-tux.

"Huh?" Hindi ko siya maintindihan. Hala?! Baka baliw to?

"Sabi ko, ang ganda nila tingnan magkasama noh?" Sagot niya habang ngumunguso.

Napatingin naman ako kila William.

"Oo nga... bagay nga sila." Sagot ko habang tumatango.

Bagay nga sila. At maganda silang tingnan pag magkasama. Eh kami kaya? Ganun rin ba?

Huminga ako ng malalim. Haist. Nakakainggit naman.

Kailan naman kaya darating na ako na yung sumasayaw diyan at kasayaw ko yung lalaking para sakin kahit hindi nalang si William.

Nagulat ako ng may naglahad sa akin ng kamay.

Tiningnan ko yung naglahad ng kamay si kuya pala yung kumausap sakin kanina.

Nakita kong may mga sumasayaw narin sa gitna, at dahil naiinggit ako, tinanggap ko nalang yung kamay niya at nagsayaw kami sa gitna.

Nakahawak ang mga kamay niya sa bewang ko. At ang kamay ko naman ay nasa balikat niya.

Nakayuko lang ako at hindi ko siya tinitingnan. Nahihiya kasi ako.

Buong oras ng pagsasayaw namin ay walang nagsasalita.

We're both strangers to each other kaya ano naman ang paguusapan namin?

Ng matapos na ang kanta ay parehas na kaming umupo sa mga assigned seats namin.

Nakita kong papalapit na si William sakin.

"May I have a dance with you?" Tanong niya.

Tiningnan ko lang siya na parang nagtataka. Kasi naman bakit naman niya ako isasayaw sa araw ng kasal niya diba?

"Hindi ko ba pwedeng isayaw ang bestfriend ko sa araw ng kasal ko?" Nakangusong tanong niya.

Napangiti nalang ako at tinanggap ang kamay niya.

Nagpunta kami sa gitna at nagsimulang magsayaw.

Ang pwesto namin ay parang yung pwesto namin kanina nung lalaki nung sumayaw kami.

Nakatingin lang ako sa kanya at kusa nalang lumabas mga salitang to sa labi ko, "I Love You..."

Akala ko ay magagalit or magugulat siya kaso ako pa yata ang nagulat sa reaksyon niya. Ngumiti lang siya at ang mga salita niya ang nagpagising sakin sa katotohanan, "I love you too... bestfriend."

Once When We're YoungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon