<Chapter 9>

10 1 0
                                    

Kristin's POV

"Exam nanaman," sabi ko. "Tinatamad pa ko."

"Lagi ka namang tamad,eh," sabi ni Bea. "Top student tapos tamad?"

"Bakit,bawal ba?" I argued. Oh taray English yan. Walang aangal,ah. "Pero seryoso,nakakatamad."

"Tinatamad o ayaw matapos ang school year?" realtalk nito saakin. "Ano,bat di ka makasagot?"

"Pede both?" Sabi ko,na may kasamang pagtawa. "Eh kasi naman,magbabakasyon na."

"Ayaw mo yun?"

"Ayaw na gusto."

"Ano daw?"

"Hindi,kasi.." Palusot ko,"Mamimiss kong mag-aral,you know?"

"Ulol."

"Di,totoo nga," sabi ko,na itinaas pa ang kanang kamay. "Pero mabait akong bata kaya aamin na ko."

"Sus,aamin rin pala," pabulong niyang sabi. "So ano na nga,bes?"

"Syempre di ko sya makikita," I said,with matching sad face na umaabot ang nguso hanggang talampakan. "Finals na,eh."

"Ayyyy,landi," pang aasar nito kaya't binatukan ko sya. "Joke lang eh,walang hiyang 'to."

"Minura kita?"

"Di po," sabi niya. "Di na papalag."

"Buti naman," sabi ko. "So ayun tara na't baka maiwan pa tayo ng service."

"Maiwan ng service o dahil kasi hihintayin ka dun ng iyong o-so-loving-sweet-and-kind Christian?"

"Pede both?!" napalakas kong sabi.

Pucha. Kinikilig na kasi ako pag naiisip kong may naghihintay sakin. Alam niyo yung ganung feeling? Like someone cares for you. Ang sarap sa feeling. Going back,pinalo ko si Bea sa kilig nang makita ko ngang nandun na siya.

"Oh,ayan na," itinulak niya ko papunta sakanya. "Thirdwheel ampu--"

"Ingay mo," I shut her up then I turned to him.

To him na ang panget panget. Bwiset,di ko alam kung pano ko nagustuhan to? Dahil ba ang funny funny nya? Dahil ba he's a joker? Jusko po.

But he makes me happy naman. Darating din ang araw na magiging gwapo to,at di ko siya papakawalan ngayong panget siya dahil pag dumating ang araw na maging gwapo to,di na sya sakin dahil habulin na ng chicks.

So tiis-tiis lang sa ngayon. Nakakapogi naman ang sense of humor. Way more handsome than people who just look pogi physically.

"Musta?" tanong niya,nakangiti. Uy dimples. Cutie. "Okay ka naman?"

"Yes naman," sagot ko. "Bakit?"

"Wala lang," he replied. "Gusto ko lang malaman kung okay ka. Because you should be."

Edi kinilig ang lola mo. Di alam kung ano ang sasabihin kasi kahit pang-ilang araw na nila tong magka-usap,ang awkward pa rin at di pa siya sanay na kausap ito sa personal.

"Naks," sabi ko,na may pabebe pang tawa. Nahiya pa. Eh kung makatawa pag kasama ang kaibigan,kala mo kung sinong baliw. "Ikaw?"

"Okay lang din," sabi niya. Lumingon siya sakin at ngumiti. "Kasama kita eh."

Akala ko sa chat lang 'to magaling. Akala ko di siya marunong bumanat sa personal. Akala ko di siya marunong magsalita. Akala ko nahihiya siya. Akala ko torpe siya. Akala lang pala.

Na-speechless ako for like a minute. Until I found the right words that I have left to say.

"Ako din,eh," sabi ko habang ngumingiti. Nang makita ko ang driver ng aming service,tinanong ko ito. "Kuya aalis na ba?"

Tulad MoWhere stories live. Discover now