One

131 3 0
                                    

by: Tora

Wala ng prologue ha ,,,,, tanchu >_<

\\One\\

15 years ago 

      War in Asland, Part of Undeworld

Habang pinagmamasdang lamunin ng naglalagablab na apoy ang kalahating bahagi ng Asland ,, patuloy parin ang pag atake ng mga kalahing Demonyo kay Zereathe.

Halos maubos na nya ang mga lahi ng Demonyo sa lugar ng Asland.

"Lahat kayo pinarurusahan ko ng kamatayan ,, uubusin ko ang lahat ng kalahi ko kung kinakailangan." desperadong sambit ni Zereathe sa mga kalahing halos maghingalo na sa mga sugat na natamo sa mga atake nya samantalang sya ay di man lang madaplisan ng kahit ano.

Nang maramdamang aatake nanaman ang mga ito ,, iwinasiwas ni Zereathe ang kanyang kamay sa ere kasabay ng hangin at pagkatapos ng atakeng iyo , lahat ng tinamaan ay nagkaputol putol ang katawan.

Mistulang bilyon-bilyong punyal na nagbabaga ang umatake sa kanila nang sabay sabay......

Ngunit may isang napakalakas na aura ang bumalot sa buong Asland , nayanig ng bagya ang lupa sa pagdating ng sinoman.

"Pangahas ka!!!!!!" sambit agad ni Zereathe ,,tila ba alam nito na kanina pa nagmamasid ang kalaban.

"Itigil mo na ang pagkitil sa ating mga kalahi."

"Ha.....??hahhahahhhahhahhah."  nangibabaw ang malulutong na tawa ni Zereathe.

"Ako? Ititigil ito? Sino ka para utusan ako?" tanong nito.

"Ako si MILLENIA VERDE" at tinanggal nito ang puting benda sa muka.

Naaninag ito ng maayos ni Zereathe.

"Verde?" pagtatakang tanong nito at biglang nawala sa paningin niya si Verde.

Bigla na lamang siyang may naramdaman na pagtarak ng walong punyal sa kanyang likuran.

Napaluhod sya at isinuka ang kanyang sariling dugo.

"Kung kinakailangang patayin kita gagawin ko para sa ikatatahimik ng lahat." anito.

Umatakeng muli si Verde at hindi naman siya nabigo,,, lahat ay walang daplis na tumatagos sa katawan ni Zereathe.

( Si Verde ay matalik na kaibigan ni Zereathe noong sila ay sinasanay pa lamang,, ngunit ngayon ay magkaiba na sila ng ipinaglalaban, si Verde ay ang KATARUNGAN at si Zereathe ay ang PAGHIHIGANTI.) 

Nilapitan ni Verde ang nakalupasay at halos maligo na sa sariling dugo na si Zereathe,,

Hinablot nito ang buhok at inangat ang ulo,,

"Hanggang dito ka na lang ba?" tanong nito.

At akmang puputulan na niya ng hininga si Zereathe gamit ang kanang kamay na may hawak na punyal.

"Ahhhhh.......ahhhhhh....... B-bakit?" gulat na gulat si Verde ng makitang naabo  na ang kanang kamay niya.

"Mag-isip ka nga Verde ,, sa tingin mo ba aabot ka sa kalingkingan ng kapangyarihan ng Apoy ng Impyerno?" aniya.

Sa ginawa ni Zereathe,,  lalo pang lumawak ang pinsala ng kanyang kapangyarihan.... Kaunti na lamang ay mabubura na sa Underworld ang Asland.

Hindi na rin makaatake ang mga kalahi nya sapagkat ang apoy ang pumipigil sa kanila ang iba ay tumakas na sa lugar na balak gawing abo ni Zereathe.

UnderworldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon