Bakit sa lahat ng alaala ko ng nakaraan , pangalan ko lang natatandaan ko? At kung ano ako , tae ,, ang gulo ng buhay ko.
(kamot ulo)
8 YEARS AGO
Nagising ako sa napakalalim na tubig pinilit kong umahon pero nawalan ako ng hininga.... bigla na lang nagdilim ang paningin ko at nakaramdam ng matinding sakit...
"Ahhhhh................" sumisigaw ako pero wala ni isang tinig ang lumalabas.
Di ko alam kung gaano ako katagal sa ilalim nun.... Basta nagising ako sa mga bisig ng isang babae....
Namie's POV
"Walang hiya ka Reiji ,," sigaw ko sa aking asawa nang malamang may iba siyang babaeng kinakasama....
Di ko matanggap.... ginagawa ko naman lahat.
Tumakbo ako palabas ng Resort at tumungo na sa dalampasigan........
Sinubukan niya akong pigilan ngunit di ko na lang pinansin ang mga salita niya ,, pagkat lahat ng iyon ay pawang kasinungalingan lamang....
Habang naglalakad ako ng umiiyak at ang malamig na alon ay humahampas sa aking mga nginig na paa.... may natanaw ako sa di kalayuan.
Dahan, dahan ko itong nilapitan at ako'y nagimbal ng makita ang isang batang lalaki na naghihingalo sa dalampasigan.
Kinapa ko ang kanyang pulso at dinamdam ang tibok nito.....
Buhay siya ,, buhay na buhay ,, iba ang tibok ng puso niya ...... at.......
Ang puso niya ay......
Di ako makapaniwala....... nasa kanan ang puso niya...... Pero....... paanong........ hindi siya normal.....
Binigyan ko siya ng CPR........ nagising siya at isinuka ang tubig na nalulon niya........
Iniupo ko siya at isinandal sa aking mga bisig at laking gulat ko nang makita ang likuran niya na....... na..... na mayroong bu-buntot!?
Pero......... anong nilalang siya?
Tinitigan ko siya ng mabuti......... normal naman........ napaka amo ng muka nya parang anghel....... pero bakit? Bakit may buntot? Yun lang ang kakaiba ang buntot niya at ang abnormal na tibok ng puso........ Alam ko sa sarili ko na hindi siya pwedeng dalin sa hospital......
Tiyak pagkakaguluhan siya at papatayin.
"A-anong pangalan mo?" mariin kong sambit.......
"R-ragnarok" nabubulol nyang sabi.
Kakaibang pangalan iyon.......
Nagulat ako nang hawakan nya ang aking kamay ng sobrang higpit na di ko mawari kung nasasaktan ba sya ,, muli akong nagtanong.
"Bakit?"
"M-masakit...."
"Huh? Ang alin?" nataranta na ko.
Bigla na lamang syang nawalan ng malay........ Naisip kong humingi ng tulong pero hindi maaaring makita ang buntot niya.....
Maingat ko syang binuhat papunta sa Resort at dinala sa aking kwarto.
Inihiga ko sya sa kama at dali daling pumunta sa CR at kumuha ng pamunas........ napakataas ng lagnat nya...
Muli ko syang pinuntahan....... Umupo ako sa kama...... hinahabol niya ang kanyang paghinga........ dama ko iyon habang pinupunasan ko sya ng tuwalya.