CHAPTER 1

51 1 1
                                    

"Ateeeee!!!! Anu ba yan! Bakit kasi nakikialam sa gamit ng may gamit", sigaw ko sa ate kong SUPER PAKIALAMERA.

"Hooy! MARIA SOCCORO PERPETUA D. SANCHEZ! Umayos ka ha. Aba'y ka aga aga nag sisigawan ka jan." ,  Ate.

"Ate naman eh. Yung collections ko eh. Pinapakialaman mo naman eh. Iniingatan ko yan eh. "

"Tumahimik ka nga. Aalisin ko lang to. Ba't ba kasi dito mo pa sa sala nilagay. May kwarto ka naman. Puro itsura nalang ng mga Unggoy na yan nakikita namin dito sa bahay".

Naku Ate! Bawiin mo yan. Hindi Unggoy si Zayn. Si Louise. Si Niall. Si Liam. Lalong lalo na si Harry.

"Hay naku. Puro bading yan eh. Tingan mo nga mga itsura. Gwapo pa si Harry Potter jan eh. "

"Huhuhuhuhu. KILL ME. KILL ME. KILL ME ATE! Grabe ka."

Papatayin talaga kita. Ayaw mo pang tumigil?? Nabibingi na talaga ako sayung bata ka. Hindi ko naman to e tatapon.. Kinukuha ko lang. Anu ba yan! Hirap ba intindihin yun?? >:(

Yan si ate. Ate Red yung tawag ko sa kanya. Mabait yun. Hindi lang talaga halata sa convo namin kanina. Ganun lang talaga sya. Gusto nyang in order ang lahat. Dapat malinis. Dapat maganda tingnan. Dapat kaayaaya. Metikolosa kaya yun. Pero wag ka! Kahit ganyan yan 3 years na silang mag on ni Kuya Rey, may ari lang naman ng isang junk shop. HAHA. Pero syempre JOKE lang yun. May ari talaga sya ng WELDING SHOP. HAHA. Syempre JOKE lang ulit yun. Oo na! Oo na! Eto na oh. MAY ARI TALAGA SYA NG TATLONG GAS STATION AT RESTAURANT, syempre hindi na JOKE yun. HAHA.

            ·BACK TO STORY·

Dali dali kong kinuha yung mga poster, picture frame, charcoaled picture, 1D's personalize clock at personalize pillow na pinagpatongpatong ni ate sa gitna ng sala. Kasabay ng pagakyat ko sa kwarto ay yun rin ang pagpatak ng aking mga luha. Dala ang ala-ala ng kahapon kung saan naaalala ko pa ang ngiti ni ZAYN, ni LIAM, NIALL, LOUISE at higit sa lahat ni HARRY na matatanaw ng lahat sa aming sala. Huhu.

Wala akong magagawa. Eh panganay yun eh. Bunso ang inyung lingkod.

"Bakit ako pa? Bakit yung mga gamit ko pa?? Huhuhu.", iyak ko

"Naririnig kita rito Maria. Umayos ka at nabibingi na talaga ako sayu. Baka hindi ako makapag pigil susunugin ko yan," ate

Nagulat ako. May pagka mangkukulam talaga tong kapatid ko. Akalain nyu, rinig na rinig nya parin ako kahit nandito na ako sa itaas samantalang andun sya sa ibaba, naglilinis.

Pero syempre. Natahimik ako. Sus! Sa word palang na "SUSUNUGIN", speechless na ako. Pero umiiyak parin ako, silent mode ngalang. Sakit kaya sa dibdib yun. :'(

Inayos ko na yung mga collections ko. Nilagay ko na sila sa pwedeng mapaglagyan at mapagsabitan..

"Uyy Harry! Ikaw kasi eh, Sinabihan na kitang hindi kayu tatagal ni Ms.Swift eh. Hindi kaya yun mahilig sa long term relationship."

Ganyan talaga ako. Kinakausap ko yung mga pictures. Diba sabi nila, kausapin mo yung halaman para mabuhay. Kaya ito, kinakausap ko sila, baka sakaling magkaroon rin ng buhay tong mga to.. MELAI MO MAG WORK! Eh di, Hindi na ako pupunta ng UK. Bawas gastos rin yun. Hihi.

·RED POV·

Hay naku! Tong bata talagang to. Pwede naman sa kwarto nya to ilagay. Bakit dito pa sa sala?

"Ateeeee!!!! Anu ba yan! Bakit kasi nakikialam sa gamit ng may gamit", sigaw nya. Hindi na ako nagulat sa reaksyon nya. Ganyan talaga yan.

"Hooy! MARIA SOCCORO PERPETUA D. SANCHEZ! Umayos ka ha. Aba'y ka aga aga nag sisigawan ka jan." ,  sagot ko sa kanya. Kunwari nagagalit ako. Pero sa totoo ay  natutuwa lang talaga akong asarin sya. Haha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ms. Movin On Meets  Mr. LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon