Ako si Rio.
5 taon na ang nakakalipas simula nang ako ay iniwan ng aking asawa at anak.
Sa murang idad pa lang namin ni Lhea ay kinasal na kami.
Nagkaroon ng pamilya.
At isang anak na babae na nagngangalang
Rea.
Namatay si Lhea nang pinanganak niya si Rea.
Hindi ko matanggap ang kinahihinatnan ng nangyari kay Lhea
Hindi ko magawang hawakan ang anak namin na naging dahilan
Ng pagkamatay ng aking asawang si Lhea.
Lumipas ang 5 taon.
Wala na akong balita sa anak kong si Rea.
Simula kasi nang mamatay ang ina niya ay iniwan
ko na siya sa pangangalaga ng kaniyang lola.
Hindi ko na siya nakitang lumaki..
Sabi nila kamukang kamukha siya ni Lhea..
Isang araw may isang maliit na bata na pumunta ng aking bahay.
Hindi ko alam kung ano at kung bakit nagulat ako nang Makita ko ang bata
Parang sumariwa muli ang pumanaw kong asawa na si Lhea.
Nilapitan ko ang bata..
Ngumiti siya saakin at niyakap ako ng mahigpit.
‘’Papa!”
Nagulat ako…
Nang tawagin niya akong PAPA.
Napaiyak ako..sa tuwa
Sa wakas ang aking anak..
Nakita ko na rin.
Nawala lahat ng galit ko sa kaniya. Parang muli siyang pinanganak.
Nagkaroon ako ng inspirasyong mabuhay.
Nakalipas ang ilang buwan ay mas lalong napapalapit ako saaking anak
Lumipas ang 5 buwan.
Nalaman namin na namana pala ni Rea ang sakit ni Lhea..May posibilidad na mamatay at iwanan niya rin ako..
Hindi ko matanggap...
Nagsisisi na ako...
December 30, 2005
Panahon ng tagsibol.
Panahon din ng pagkamatay ni Lhea at pagsilang kay Rea.
Naglalakad kami sa park.
Hindi ko alam kung bakit iiba ang kinikilos ni Rea. Kutob ko ay may dinaramdam siyang sakit.
“Anak, Ayos ka lang ba?
‘’O-po..’’
‘’Kaya mo pang maglakad?”
‘’OPO!”
Naawa ako sa kaniya dahil mukhang napipilitan lang siya.
“Sabihin mo lang kay papa kung ano ang masakit sayo ah?”
“Opo, papa.’’
Nagpatuloy kaming maglakad..
Napahinto ako sa paglalakad..
“Anak, bakit ka huminto? May problema ba?”
‘’Papa..’’
Sinalo ko si Rea ng siya ay muntikan ng mahimatay.
“Anak! Ano bang nararamdaman mo??’’
Umiiyak siya..ng umiyak ako at sinabi niyang-
‘’Mahal kita ,Papa..’’
‘’Anak, Mahal kita..’’
‘’Si Mama, mahal mo ba?’’
‘’O-o..”
namumutla na si Rea. Hindi ko alam kung bakit.. pero biglang lumamig ang paligid..
“Salamat po sa lahat, Papa.. Sorry po..’’
Napaiyak ako lalo ng hindi ko na maramdaman ang paghinga ni Rea.
Hinawakan ko ang kaniyang pulso..ngunit wala na siya. Pumanaw na rin ang anak ko.
“TULONG! TULONG!”
Napasigaw na lang ako habang niyayakap siya..
Huli na ang lahat..
Hindi ko siya naalagaan ng mabuti sa huling pagkakataon..
Hindi ko alam na may sakit siya na namana sa kaniyang ina..
Isa na tong malaking aral na nangyari saaking buhay.
Na dumaan ako sa maling daanan.
Masyado akong nagmadali sa lahat ng bagay.
Maaga akong nagmahal,
Maaga rin itong nawala..
Ngayon alam ko na kung ano ang pag-ibig.
Maranasan din ang mag-isa…’’
Ngayon alam ko na kung ano ang pag ibig...
at nasa huli ang pagsisisi.
Hindi ko na alam kung ano pa ang mangyayari saaking buhay...
Iisipi ko na lang na....
ang araw nang makita ko si Lhea.
Nagkaroon ng pamilya
Si Rea.
Lhat nang iyon ay iisipin kong isang malaking pagkakamali...
Isang pagkakamali lamang....
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
THE END
guys please don't hate me. Hehe thank's po.
-Inspired by:
CLANNAD
BINABASA MO ANG
Huli na ang Lahat
Short StoryIt's a story about Rio who became a young father. And then after that his wife died because of illness and because of the pregnancy of their child. He abandoned his child and then after a years he saw her child then he decided to take care of her an...