Prologue

34 1 0
                                    

Isabel Mendoza



"Okay! Ready na guys!"

Direct shouted. Agad agad naman ako tumayo dahil paniguradong yari nanaman ako kay direct pag nahuli nanaman ako. Lumabas na ako ng tent para magpunta sa set kung saan gaganapin ang panibago nanamang scene. Inayos ng isang staff ang damit ko bago ako sumalang.

"Isabel, did you memorized the lines?" Liningon ko ang co-director na si Anne. "Ofcourse! Ako pa ba?" Nginitian ko siya na tila proud na proud ako sa sarili. Tinanguan niya ako at agad na umalis upang lapitan ang ibang artista na naroon upang ientertain.

I watched the other actors/actresses as they act. Nang matapos sila ay sumunod na ang scene namin kung saan nasa isang resto kami at kumakain. Henry as my partner.

"Babe, I have something to tell you..." he said like he's hesitating.

I carefully hold his hands and ask what is it.

"I'm breaking up with you." sabi niya. His eyes are full of emotions.

"No... you can't! Please! Don't leave me..." umiiyak kong sabi. "Maaayos pa natin 'to, right? Hindi naman natin kailangan maghiwalay." patuloy ako sa pagiyak habang hawak hawak ang mga kamay niya. Unti-unti siyang bumibitiw sa akin at tumayo leaving me hopeless.

Tumayo din ako at hinabol siya at niyakap. Huminto siya. Sasabihin ko na sana ang susunod kong linya ng...

"Cut!" sigaw ni direct.

Bumitiw ako sa yakap ko kay Henry at pinunasan ang mga luha ko kanina. Binigyan ako ng isang staff ng tissue.

"Henry, you need to atleast show more emotions! Tignan mo si Isabel! Show your emotions!" pagsesermon ni direct kay Henry. Tinignan ko naman si Henry na nakayuko at halatang nahihiya na. He's a good actor naman, but direct is correct. He needs to show more emotions. Masyado siyang lame.

Tinignan niya ako. Nginitian ko naman siya and he give me an apologetic smile in return.

"Sorry ah. Mukhang matatagalan tayo dahil sakin." sabi niya. He looked so bothered. Maybe dahil sinermonan siya ni direk?

At dahil maganda ako at maganda ang ugali ko, " It's fine. Normal lang na magkamali tayo. We're not perfect, Nobody's perfect." pagpapagaan ko ng loob sakanya at muling bumalik sa tent upang magretouch dahil nga umiyak ako.

As soon as I entered the tent ay umupo agad ako sa tapat ng salamin para ayusin ang nagulo kong buhok. Ayaw na ayaw ko talagang nagugulo yung buhok ko.

"Sissy, break na daw muna." Nilingon ko si Marcel at tinanguan. Lumapit naman siya agad sa mga gamit ko at inayos ito. Inabot niya sa akin ang bag na lagi kong ginagamit, " Oh, sissy! One hour lang ang break ninyo sabi ni direct. Be careful sa mga fans sa labas ha?" Nginitian niya ako at agad na inayos naman ang mga make-up na ginamit namin. Tumayo ako at nagpaalam na na aalis na ako.


Pagkalabas ko ng tent ay agad na pumalibot sa akin ang mga guard.

A lot of fans scream when they saw me. Di na ako magtataka doon. I'm a well-known artist and a model.

A fan run towards me ng bigla siyang nadapa. She's sweaty and mukhang pagod na pagod. Nilapitan ko siya dahil nga maganda ako at maganda ang ugali ko.

Natahimik ang ibang fans at yung iba ay lalong naging wild sa paglapit ko sa direksyon nila. I help the girl to stand up. Para siyang na-starstruck sa akin dahil halos hindi siya kumurap.

I ask her if okay lang siya pero nakatitig lang siya sa akin. I find her creepy though.

"Ma'am, tara na po. Dumadami na po ang mga tao." Agad naman ako umalis para dumiretso na sa van.

Pagkaupo ko ay siyang pagsara ng isang guard ng pintuan ng van. I sighed at my own thought that I really gained too much popularity.



We arrived at a famous restaurant at BGC and I invite one of my friend to join me. She arrived earlier than I thought.

"Hey", I called her to get her , and I guess I succeed dahil lumingon siya sa akin agad. I sit down on her front at tinignan ang mga inorder niya. She ordered a pasta and a mango juice, I guess?

Tinawag ko ang waiter at agad na umorder. Pagka alis ng waiter ay agad akong humarap sa kanya at nginitian siya.

"So, how's your taping?" tanong niya at sumipsip sa kanyang juice.

Umiling ako at sumagot, "Well... it's fine but that Henry guy was really hard to work with. Hindi niya makuha yung tamang emotion na gusto ni direk kaya we take a break at malang uulitin nanaman namin yung scene na iyon. You know direct Delos Santos is strict." She rolls her eyes at bahagyang tumawa sa sinabi ko.

Dumating na ang order ko at nagsimula ng kumain.

We talked a lot of things. Nang matapos naman akong kumain ay nagtungo ako papuntang cr para mag retouch.

I pick-up my compact powder and pressed it on my face. I also put some liptint on my lips to give it a color and fix my hair.

Nang matapos ako ay naghugas ako ng kamay at kumuha ng tissue para mapatuyo ito.

Nang makalabas ako ng comfort room ay nakabanggaan ko ang isang lalaki na mukhang nagmamadali. My purse fell off my hands causing my make ups to scatter all over the floor dahil hindi ko pala ito nasara kanina.

Umupo ako gayon din ang lalaking nakabunggo sakin para pulutin yung mga make up ko.

"I'm really sorry. Nagmamadali kasi ako and it's really urgent kaya hindi kita napansin." pagpapaliwanag niya habang patuloy padin sa pagpulot ng mga make up.

Hindi ako sumagot at ng matapos kami ay tumayo ako at agad na inayos ang mga make up na napulot ko inside my purse. He give me some of my make up that he also picked up. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya kaya tinignan ko siya.

And oh lord, he's such a god. A deep set of gray eyes, an amazing jaw freaking line, his eyebrows were like drawn dahil napaka perfect ng mga ito. Even his lips, parang nangaakit ito na halakin mo dahil sa sobrang pula. He also have a nice body built.

Napapilig ako ng ulo dahil sa iniisip ko. I immediately say thankyou at balak na sanang umalis ngunit pinigilan niya ako.

"Wait up, Miss?"

"Isabel. Isabel Mendoza." pagpapakilala ko habang nakatingin sa mga labi niya na kinakagat niya marahil ay nahihiya siya.

"You're familiar." He bit his lower lip again and looked away na para bang nagiisip siyang maigi. Naka side view siya ngayon and I just realize kung sino itong lalaking ito. He's the famous Johnford Estrada!

He is the CEO of their company at isa din siyang model also under their company. And I hate him.

"Aha! You are the actress from the up coming movie next year!" He shrieked.

Oh lord.

Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now