Chapter 1 - Jodi

57 0 0
                                    

Linggo ng umaga at maagang nagising si Jodi. Hindi siya bumangon kaagad sa kanyang hinihigaan dahil abala siya sa kaiisip kung ano ang kanyang gagawin buong araw. “Hmmm. Ano kaya ang gagawin ko ngayon? Linggo na naman. Sigurado akong bawal maglakwatsa dahil di papayag si mommy. Siguro magbababad nalang ako sa laptop at magfe-facebook buong araw.”

Si Jodi Morton ay isang fourth year student ng St. Anne High School. Siya ang tinuturing na Ms. Perfect sa campus. Mula sa pagiging consistent na top student sa kanilang klase, kilala rin siya dahil sa kanyang kagandahan. Long brown hair, mala-snow na kutis, dolly eyes at body at height na parang pang-miss universe – sino ba ang hindi mabibighani sa kanya? Siya rin ay nabibilang sa isang marangyang pamilya at isang Fil-Am. Di lang mga lalake ang naloloko sa kanya kundi ang mga babae rin. Biniyayaan si Jodi ng talent na walang kapares. Kaya niyang tumugtog ng kahit na anong instrument na makikita mo sa isang music shop. Mapa-guitar, piano, drums, violin, hanggang flute at harp eh chicken lang sa kanya. Magaling rin syang kumanta at sumayaw. Siya ang president ng Student Council at ang SK Chairman ng kanilang barangay. Isa siyang dream girl ng bawat lalake at role model ng mga babae. Tahimik si Jodi at mabait sa lahat ng tao. Pero iisa ang pinagtataka ng lahat. Hindi siya nabibilang sa anumang barkada o samahan at wala rin siyang close friend. Parang nakikisama lang si Jodi sa lahat at umiiwas na mapalapit sa isang tao. Noon nga ay nagkalat ang mga taong naiinggit sa kanya na may tinatago siyang malaking sekreto kaya ganyan ang kanyang ugali. Ngunit sa kasamaang palad, nawala rin ang tsismis na ito dahil wala silang nakuha na katibayan. Hindi nakapagtataka na marami rin ang nanliligaw sa kanya. Pero binasted lang niya ito at dinedma. Minsan nga, nasasabi ng iba na binubuhos nalang ni Jodi ang buong oras niya sa pag-aaral o sa pag-eenhance ng kanyang mga talents. Wala raw siyang social life at isang certified “loner”.

“Miss Jodi, may bisita po kayo.”, tawag ng kanilang katulong. “Ok ate. Sabihin mo bababa na ako.”Sino naman kaya ang bibisita saken sa araw ng Linggo? Napailing nalang siya habang inaayos ang sarili bago bumaba. Pagdating niya sa sala ay bumungad ang isang matangkad, chinito at  matipunong lalake na abot tenga ang ngiti kay Jodi. “Ahh. Ikaw pala Alfred. Anong sadya mo?” pagbati ni Jodi na mejo nainis sa pagdalaw ng kanyang pinakamasugid na manliligaw. “Gusto ko sanang yayain ka na manood ng sine. Narinig ko eh palabas na yung movie ng paborito mong artista.” “Yun ba? Eh baka pagalitan ako ni mommy kapag umalis ako ng bahay eh.”  Agad na nakaisip ng palusot si Jodi. “Wag kang mag-alala. Tinawagan ko na si Tita kanina tapos pumayag siya na dalhin kita sa sine. Pwede rin tayong mamasyal pagkatapos.” sagot ni Alfred na lalo pang nanlaki ang ngiti. WHAAAT??!! Daig pa yata ang boy scout sa pagiging ready ng lalakeng ‘to ah. Pero at least dahil sa kanya makakagala ako ngayon. Ayoko rin dito sa bahay. Nakakabagot. Sige na nga. Pagbibigyan ko ‘to. “Hmmm. Okay. Magbibihis lang ako ha?” sabay talikod sa kausap at nagtungo na sa kwarto. “Sure. Take your time.” sagot ng binata sabay talon at mahinang bumulong ng Yes! Chance ko na ‘to! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ms. UniqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon