Nanlulumo akong nakatingin sa makakapal na librong nasa harapan ko ngayon.
Pagkatapos nang kasiyahan nangyari sa buong sa kaharian dahil sa aking kaarawan ay ito na naman ako. Palihim akong napatingin kay Lady Lou na ngayon ay seryoso at tahimik lang na nagbabasa sa aking harapan. May makakapal ding aklat sa tapat niya. Her aura screams calmness. She looks beautiful and young. Ang alam ko ay mas matanda ito ng ilang taon sa aking ina.
"Kung ako sa'yo ay sisimulan ko na iyang mga aklat na nasa ibabaw ng mesa, mahal na prinsesa." She said without looking at me. Napanguso ako at napayuko na lamang. Gustuhin ko mang magbasa at mag-aral, ayaw naman sumunod ng katawan at utak ko!
I sighed. "Lady Lou." I called her attention. "Puwede bang hindi muna ako mag-aral ngayong araw?" Pagpapaalam ko. "Regalo mo na lang ito sa akin. Please!"
She stopped from reading and slowly closed the book she's currently reading. Now, I get her attention. She looked at me and smiled. I smiled at her, too. Umaasang pagbigyan niya ako sa nais kong mangyari. Lady Lou is my teacher here in our palace. Siya ang nagtuturo sa akin ng lahat nang dapat kong matutunan para maging isang mahusay at epektibong tagapagmana ng trono.
Mayamaya lang ay nakita ko itong umiling at walang ingay na ipinagpatuloy muli ang naudlot na pagbabasa. I pouted when she didn't utter a single word regarding my request. Napailing na lamang ako at sumuko na. Dahan-dahan kong binuksan ang isa sa mga librong dapat basahin. Napangiwi ako at pilit na itinuon ang buong atensiyon sa binabasa. Mayamaya lang ay palihim kong kinurot ang mga daliri. This is bad! Para akong biglang hinatak nang antok pagkakita ko ng mga pangungusap na naroon sa pahina! Help me! This is torture!
"Kailangan mong matutunan ang lahat, Shanaya." I froze when she suddenly speak. I looked at her. Hindi ito nakatingin sa akin. Her focus is on the book she was reading! "May isang taon na lang tayo para matutunan mo ang lahat." Humugot ito ng isang malalim na hininga at tiningnan na ako. "You're the only heir of the throne, Princess Shanaya. Please, don't lose your focus on this. The future of our kingdom is in your hands. Always remember that."
Natapos ang araw ko na wala akong ginawa kung hindi ang magbasa at mag-aral. I feel so tired! Hindi ko alam kung anong mahika ang ginamit ko para hindi lang makatulog habang nagbabasa kanina!
Pabagsak akong nahiga sa aking kama. Walang emosyon akong tumitig sa kisame ng silid at inalala ang mga katagang binitawan kanina ni Lady Lou.
The future of our kingdom is in your hands. Always remember that.
Napabuntonghininga na lamang ako. Lady Lou was right. Ako lamang ang tanging tagapagmana ng trono. Ako at ako lamang kaya naman ay talagang wala na akong takas sa tadhanang mayroon ako. "Kung sana ay naging interesado lamang ako sa tronong itinakda para sa akin... sana'y hindi ako nahihirapan ng ganito." I softly said. Ewan ko ba. Mas gusto ko ang simpleng pamumuhay kaysa sa ganito. Pakiramdam ko ay nasa maling katauhan ako. Dapat yata naging isang ordinaryong Xier na lamang ako para palipad-lipad na lamang sa mga puno dito sa Xiernia!
Napatingin ako bigla noong may kumatok sa pintuan ng silid ko. Kunot-noo akong bumaling sa orasang nakasabit sa dingding ng aking silid. Alas-siete na ng gabi. Bigla akong napaupo mula sa pagkakahiga noong mapagtanto kung sino ang maaaring nasa pintuan! I smiled and immediately grab my weapon.
She's here! She's back from her mission!
"Ara!" I exclaimed as I opened the door. Ara smiled at me and immediately bowed her head in front of me.
"Magandang gabi, mahal na prinsesa," magalang na pagbati niya. "It's been a long time, huh? Let's go?" She asked me with a smirk on her face. Mabilis akong tumango sa kanya at agad na lumabas sa silid.
![](https://img.wattpad.com/cover/89787936-288-k638087.jpg)
BINABASA MO ANG
Shanaya: Queen of the Fairies (Soon To Be Published)
FantasyKingdom of Tereshle Story #3 [COMPLETED] Shanaya. Queen of the fairies. She doesn't want the crown nor the throne. Para sa kanya, mas nanaisin pa niyang mamuhay ng matiwasay sa labas ng kanilang kaharian, ang Xiernia. Noon pa man, itinatak na ni Sha...