Simon and Ara. Ako naman at si Timothy.
That was our pairing for our today's training! "This is really unbelievable," mahinang bulong ko sa sarili. Kanina pa ako nakasimangot sa nangyaring pagpili ng team naming apat para sa training na ito! Ara planned this and I can't say no to her because I was late earlier!
"So, what's the plan?" simpleng tanong ni Timothy sa akin habang matamang nakatingin sa nakasimangot kong mukha. Nakapuwesto na kami ngayon at mayamaya lang ay tiyak kong magsisimula na ang training na ito. Nasa kanang bahagi kami ng training room samantalang nasa kaliwa naman sila Ara at Simon na ngayon ay abala sa pag-uusap. I'm pretty sure that they're taking about how to defeat us! This is really unfair!
Napabuntonghininga na lamang ako. "Plan? I don't know. Defeat them and miraculously win against them. That's all," walang ganang sagot ko sa kanya. Napailing na lamang ako at tamad na tiningnan ang malawak na espasyo sa gitna ng training room.
Puwede naman kasing huwag nang isala itong si Simon at Timothy! Ano ba naman kasi ang pumasok sa utak ni Ara at talagang naisipan pa niya ang bagay na ito?
"Parang ang sama-sama naman ng loob mo na ako ang nakapareha mo sa training na ito." Bahagya itong natawa sa sinabi niya kaya naman ay mabilis ko itong sinamaan nang tingin.
"You think we can win against them?" Medyo inis na tanong ko sa kanya. "Ara and Simon combination defines victory, Timothy." I sighed. That's the truth. I know them since we were kids! Kilala ko ang dalawang iyan! Kilalang-kilala! They can defeat us in a heartbeat! Ni hindi nga yata pagpapawisan ang mga iyan sa training na ito.
Napailing na lang akong muli at humugot ng isang malalim na hininga. "What if... we defeat them?" Timothy suddenly asked. Napatingin ako sa kanya at bahagyang natawa.
"Seriously? Well, that's what we call luck!"
He chuckled and slightly nod his head. "So, it's a matter of luck, huh? Okay. Ipaubaya na natin sa luck na iyan ang resulta ng training na ito."
"Yeah," mahinang sambit ko at walang ganang tumango sa kanya.
"Ready?" Napatingin ako sa gawi nila Ara noong magsalita ito. Nakangiti sa akin si Ara at may pagkaway pa ng kamay niya. Palihim akong umirap sa kaibigan at wala sa sariling tumango na lamang sa kanya.
Ang laban na ito ay magtatagal lamang ng sampung minuto. Hawak ko ngayon ang isang crystal na siyang target ng kabilang team, ganoon din ang sitwasyon nila. Both teams are holding and protecting a blue crystal. It's a stealing game. A game that Ara suddenly suggested earlier! The main goal is to defeat one of the member other team and steal the crystal. That's the rule of the game, but Ara decided to make it simpler for us... or for them. Kapag isa sa amin ang masugatan habang naglalaban at prinoprotektahan ang crystal, it means talo na ang team ninyo. And when the opposite team managed to steal the crystal? Well, sabi pa nga ni Ara kanina, may kapalit na parusa iyon sa natalong team.
Gusto ko pa sanang promotesta tungkol sa rules na ginawa nito ngunit agad na sumang-ayon sila Simon at Timothy. It's three versus one kaya naman ay wala na akong nagawa pa kung hindi sumunod sa rules na ginawa mismo ni Ara! She's really planned the whole game and now, she's enjoying every second of this training!
"All you have to do is to protect yourself and that crystal thing, Shanaya. I'll do the offense. Focus on how to hurt one of them. Never mind their crystal," wika ni Timothy at seryosong humarap sa unahan namin. "Ako na ang bahala sa opensa ng team natin."
Magsasalita pa sana ako noong bigla akong nakaramdam ng kakaibang pressure sa buong silid. Mabilis akong naging alerto at napaatras upang protektahan ang crystal na hawak-hawal ngayon. At kagaya nga nang sinabi ko kanina, hindi magiging madali ang lahat ng ito. We are allowed to use our respective powers and attributes. In my case, alam ko ang kakayahan ng mga kaibigan ko. At si Timothy...

BINABASA MO ANG
Shanaya: Queen of the Fairies (Soon To Be Published)
FantasiKingdom of Tereshle Story #3 [COMPLETED] Shanaya. Queen of the fairies. She doesn't want the crown nor the throne. Para sa kanya, mas nanaisin pa niyang mamuhay ng matiwasay sa labas ng kanilang kaharian, ang Xiernia. Noon pa man, itinatak na ni Sha...