*Kinabukasan*
;:recess:;
"Hoy, JJ! Mamaya na yung 50 mo ha?"
"Pst! Oy, Aseya. Joke lang yung libre ko hahahha"
"Nako, sige eto na. Malakas ka saken eh." Sabi ko sakanya at saka ngumite.
"Weh? Nakooo! Thankyou" at bigla niya kong kinurot sa pisnge.
Napangiti ako ron dahil minsan lang siya ganon. Naramdaman ko ring uminit ang mukha ko. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganong paliramdam sa dibdib ko simula ng mangyari ang di kanais nais na pangyayari sa buhay ko. Ang cute niya pa pagka ngumingiti. Di naman pwedeng may maramdaman ako sakanya eh. Kasi nga, kaibigan lang ako.
*lunch*
"50 mo!"
"Oy naks! Hahaahaha thankyou"
Malambing niyang sabi."Hahahaha bahala ka"
Bakit ganooooon. Ang cute cute niya pagka ngumingiti sakin, tas ang lambing pa ng pagkakasabi sakin. Juskoooo Lord, wag niyo po ako hayaang mafall kay JJ!
Huhuhu.Makalipas ang ilang araw, tuwing magsasalubong kami lagi na niya akong inaapiran, hindi lilipas ang isang araw hangga't hindi kami nagaapir. Dumating ang araw ng Teacher's Day, wala akong gana bumaba noon para makihalubilo dahil nasasaktan parin akong makita yung ex ko, na masaya sa iba. Pero bago pa sila makababa, umupo ako sa tabi ng mesa non at dumukdok at nagtago para di makita ng mayor namin at hindi ako piliting sumama. Nagulat ako nung nakita ko sa harap ko si JJ.
"Uy? Di ka ba bababa? Tara na"
sabi niya at saka ngumiti ng matamis sakin, hindi ko alam pero yung ngiti niya na yun, yung ngiting yun yung hindi inaasahang makakapagparamdam sakin na maging masaya ulit ang puso ko.
"Sige lang, pagod ako eh. Kayo nalang" ngumiti ako sakanya
Hindi ko inaasahan, na hahawakan niya yung pisnge ko para kurutin, yung kurot niya mild lang. Iyun na yata yung kurot na gusto kong paulit ulitin kahit mamaga yung pisnge ko. Hahahahaha.
"Hays, osige bahala ka. Basta kapag nakapagpahinga kana, bumaba kana"
Sabi niya sakin at ngumiti ulit. Shet! Iyun nanaman yung mga salita at ngiti niya. Hindi ko namamalayan, na nahuhulog ako sakanya. Sa kaibigan ko. Jusko.
Naiwan akong mag isa sa classroom non dahil nga ayokong makakita ng makakasakit sakin, pero hindi pagmumukmok ang ginawa ko ron, well una dapat talaga magmumukmok ako. Pero hindi ko ginawa, ang ginawa ko lang ay ngumiti mag isa, magpatugtog ng isang masayang kanta, mag imagine ng pwedeng mangyari saamin ni JJ. Hays, ewan ko ba pero habang tumatagal. Lumalalim tong nararamdaman ko sakanya.Kinabukasan
______________________________________
Dumating ang oras ng subject namin na mejo malapit ako sakanya, sa totoo nga niyan tuwing makakasagot siya or ako sa tanonh ng guro namin ay nagaapir kami. Minsan nagbubulungan kami ng sagot. Hahahhaha.
"Ma'am kailangan po nila gawin iyun para makasurvive sa araw araw"
"Very good, Ms. de Rama. You may sit down"
"Naks! Ganda sagot ah?" Sabi ni JJ sakin at inialay ang kanyang kamay para makipag apir saakin. Ngumiti naman ako at saka nakipag apir sakanya.
Hindi ko alam, pero sa bawat araw na nakikita ko si JJ. Masaya ako, nawawala yung sakit na nararamdaman ko dahil sa nangyari saakin noon.
Alam kong hindi tama 'tong nararamdaman ko kay JJ, pero hindi ko siya kayang pigilan.Lumipas ang mga oras sa araw na iyon, nawalan ako ng gana at nanahimik bigla. Hindi niya ako pinapansin simula nung mayari ang subj na magkalapit kami. Malungkot akong nakaupo sa upuan ko at nakadukdok sa desk. Bigla nalang niya akong nilapitan.
"Oy? Bat sad ka ata?" Natatawa niyang tanong at saka ngumiti.
Dahil sa ngiti niya, napangiti narin ako.
"Nako, hindi. Hahahaha"
"Ayun oh! Tumawa ren"
"Nako ka. Sige na."
"Sige."
Pagkayari nun ay pinasukan na kami ng 1st subj namin sa hapon. Sa 2nd subj naman sa hapon ay naging vacant namin. Inaayos ko sa teacher's table yung decor namin. Aaminin kong nakasimangot ako non dahil meron ako non. Nakaupo siya sa pinakalikod, at dahil nakaupo ang sa teacher's chair, sumigaw siya.
"Oy! Lalim naman ng iniisip mo? Hahaha"
Ngumiti lang ako sakanya, dahil doon nabalik nanaman ako sa wisyo, mood, at sarili. Nung calculus na namin, ay magkatabi kami, nagulat ako ng may kinakain siyang tsokolate at hugis maltesers, and fave ko pa naman yun!! Agad akong nanghinge sakanya.
"UYYYYY SHARE NAMAN JAN OH!"
"Nako, ayan oh" sabay abot saakin nun. Agad ko naman kinain yun, bigla kong nalasahan na hindi maltesers yun.
"Pucca! Japeyk yang maltesers mo!"
Bigla naman siyang natawa. Ilang minutes ang lumipas, bigla bigla akong naging hyper sagot dito, punta doon, tawa rito, ikot jaan. Sabi niya sakin
"Huy! Naging hyper ka naman masyado! Hahahaa" Tawa niya saakin
"Luh! Ganyan ako kapag nakakakain ng chocolate eh" nagaalangan kong sagot sakanya.
Ginantihan niya lamang ako ng ngiti. Pumasok na ang professor namin sa calculus at nagbigay ng isosolve. Biglang umupo si Prof sa likod at nagkwento at dumaldal habang nag gagawa kami ng pinapagawa niya.
"Prof! Hyper niyo po ngayon ha?" Sabi ng isa kong kaklase.
"Hahahaha. Nakakain kasi ako ng tsokolate eh" sabi ng prof namin.
Biglang sumabat si JJ.
"Hahahahha sir! Kaparehas niyo ho pala si Aseya pagka kumakain ng tsokolate, nagiging hyper masyado!"
Natuwa naman ako ng banggitin niya iyon dahil kahit sandali ay sumasagi parin pala ako sa isip niya. Alam kong bawat araw, nahuhulog ako sakanya. Araw araw ko ring nilalabanan 'tong nararamdaman ko, dahil sa alam kong hindi niya ako magugustuhan. Natatandaan niyo nung tinanong ko siya noon kung may gf siya? Study first daw kasi siya. I know wala akong pag asa. Walang wala.
Author's Note
Guys huhuhu bukas siguro magupdate uli ako. And sana yung mga silent readers jan mag vote and comment kayo for any suggestions lalo na kung gusto niyong malaman ang past ni Aseya. Super exciting nun so yeyyyyyy sana patuloy niyong basahin to. Sorry for typo(s). So spread the loveeeeeee. ♡○♡
YOU ARE READING
Loving Him Was Red (ON GOING)
Teen FictionAASA BA KO? O HINDI? JUSKOLORD BIGYAN NIYO PO AKO NG SIGNSSSSSS. Pano na 'to!? Nafall ako sa taong di ako gusto huhuhu. Pero, pano kung bumalik si ex? Alam ko naman kung sinong pipiliin ko eh. Alam ko.